Skip to main content

Main Secondary Navigation

  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • News
  • Events

Main navigation

  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • GALAK Sagada, sagad sa galak!

GALAK Sagada, sagad sa galak!

30 Jun 2026 | Isinulat nina Bb Aira San Antonio, Bb Roselle Matias, Gng Ammiegaiel Panlilio, P Vic de Jesus SJ, at Gng Rovina Bermudez

Matagumpay at tunay na mabunga ang GALAK (Gurong Atenista: Lakbayin at Kilalanin ang Pilipinas) Sagada, kung saan naglakbay ang ilang guro, kawani, at administrador ng Ateneo de Manila Grade School noong 18-21 Mayo 2026, sa iba’t ibang natatanging lugar sa lalawigan ng Benguet at sa Mountain Province sa Cordillera Administrative Region (CAR). Layunin ng GALAK na mapalawak ang kaalaman ng bawat isa tungkol sa kultura, kasaysayan, sining, at ganda ng Pilipinas habang nagkakaroon ng pagkakataong makapagpahinga, makisalamuha, at mapayaman ang sarili. 

Ika-19 ng Mayo
Bago tuluyang magtungo sa Sagada, bumisita muna ang grupo sa Northern Blossom Flower Farm sa Atok, Benguet. Sa kanilang pag-ikot sa malawak na taniman, nasilayan nila ang iba’t ibang uri ng makukulay at malalagong bulaklak pati na rin ang kahanga-hangang tanawin ng kabundukan na nagsilbing magandang simula ng lakbay-aral.  

Kasama sa larawan: Gng. Cruz, Gng. Punay, Gng. Bermudez, Gng. dela Cruz, Gng. Salvaña, Bb, Marcelino, G. Corpuz, at si Padre Vic de Jesus, SJ sa Northern Blossom Flower Farm
Sina Gng Cruz, Gng Punay, Gng Bermudez, Gng dela Cruz, Gng Salvaña, Bb Marcelino, G Corpuz, at Padre Vic de Jesus SJ sa Northern Blossom Flower Farm
Kasama sa larawan: Gng. Arcega, Bb. Macaventa, Gng. de Jesus, Bb. San Antonio, Bb. Labindao, Gng. Lumauan, Gng. Panlilio, Bb. Bunag, G. Limuco, G. Agustin, at G. Robles
Sina Gng Arcega, Bb Macaventa, Gng de Jesus, Bb San Antonio, Bb Labindao, Gng Lumauan, Gng Panlilio, Bb Bunag, G Limuco, G Agustin, at G Robles sa Northern Blossom Flower Farm 

Bilang simula ng lakbay-aral sa Sagada, unang nagtungo ang grupo sa St. Mary’s Episcopal Church at The Church of Saint Mary the Virgin Cemetery. Natuto ang grupo kung paano napalaganap ang Kristiyanismo sa rehiyon noong unang bahagi ng ikadalawampung siglo at ang naging mahalagang papel ni Reb. John Staunton sa misyon ng mga Anglicans noong siya ay tumuntong sa Sagada. Namangha rin ang grupo nang malaman namin na punongkahoy ang ginagamit ng mga bumibista sa sementeryo sa halip na kandila, sapagkat ito’y mas tumatagal.

Kuha sa harap ng St. Mary’s Episcopal Church
Sa harap ng St Mary’s Episcopal Church 

Mula rito, naglakad ang grupo patungo sa tanyag na Hanging Coffins, isa sa mga pinakakilalang pamanang kultural sa Sagada. Ipinaliwanag sa amin ang iba’t ibang paniniwala ukol sa kamatayan at ang mga tradisyunal na pamamaraan sa paglilibing ng kanilang mga yumao.

Kuha mula sa Echo Valley at daan patungo sa Hanging Coffins
Kuha mula sa Echo Valley at daan patungo sa Hanging Coffins

Para sa pagtatapos ng unang araw sa Sagada, sumunod na naglakbay ang grupo sa pinakamalalim na kuweba sa buong Pilipinas, ang Sumaguing Cave, na kilala bilang  “The Big Cave." Tampok dito ang malalaking “chambers,” “icy pools,” at iba’t ibang anyo ng bato. Dito naranasan ng grupo ang “spelunking.” Gamit ang headlamp, at bitbit ang lakas ng loob, sama-samang pumasok ang grupo sa madilim, madulas, at mabatong kuweba. Dito natutuhan ng grupo na dapat ang tsinelas/sandalyas ay siguradong “sandikit” (sandalyas na madikit sa bato) upang kumapit nang wasto sa mga tatapakang mga bato. Lahat ng buwis-buhay na pagbaba sa kuweba ay sulit nang makita ng grupo ang kamangha-manghang bato na mala-elepante, pagong, tsokolate, keyk, at hagdan-hagdang palayan na hugis.

Mapapansin ang batong may mala-elepanteng anyo.
Mapapansin ang batong may mala-elepanteng anyo

Ang spelunking ng grupo sa Sumaguing Cave ay talagang isang paglalakbay kasama ang kalikasan. Napagtagumpayan namin ang pagpasok sa kuweba kahit na may alinlangan sa simula. Lumabas ang grupo sa kuweba, baon ang bagong tiwala at kumpiyansa sa sarili (at kapwa) at higit sa lahat baon namin ang hiwaga at ganda ng kalikasang gawa ng ating Panginoon.

Ika-20 ng Mayo

Maagang nagising ang lahat para sa ikalawang araw sa Sagada. Gamit muli ang mga headlamp at tungkod, ang grupo ay sama-samang humarap sa pisikal na hamon ng pag-akyat sa Marlboro Hills. Matapos ang halos isa’t kalahating oras na paglalakad paakyat sa bundok, matagumpay na narating ng grupo ang tuktok at nasaksihan ang nakamamanghang dagat ng ulap. Ito ay tinatayang 1,724 meters above sea level, kaya naman nasaksihan din namin ang pagsikat ng araw. Ayon sa mga tourist guide, nakadepende ang pagpapakita ng ulap sa lagay ng panahon, kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa pagkakataong makita ang napakagandang biyaya ng kalikasan.

Pagsikat ng araw mula sa tuktok ng Marlboro Hills
Pagsikat ng araw mula sa tuktok ng Marlboro Hills

Mula sa Marlboro Hills, ipinagpatuloy ng grupo ang paglalakbay patungo sa Blue Soil Hills. Bakit nga ba Blue Soil Hills? Ang mala-bughaw na kulay ng lupa ay dulot ng mataas na presensya ng copper at mineral sa lugar. Dahil napalilibutan ito ng mga nagtataasang pine trees, naging pagkakataon ito para sa grupo upang magpahinga habang pinagmamagsdan ang magandang tanawin at namnamin ang sariwang hangin.

Kuha mula sa Blue Soil Hills
Sa Blue Soil Hills

Makalipas ang ilang oras na pahinga, muling sumabak ang grupo sa kakaibang karanasan upang mas mapalalim ang pagkakilala sa sining ng Sagada. Bumisita ang grupo sa Sagada weaving kung saan nasaksihan namin ang masugid at matiyagang paghahabi ng tela na katutubong at makukulay na disenyo. Bawat hibla ay kailangang mailagay nang tama at maayos upang makabuo ng isang buong tela. Tunay na nakamamangha ang tiyaga, sipag at dedikasyon ng mga lokal na manghahabi mula sa katutubong Igorot. 

 Aktwal na paghahabi ng tela
 Aktwal na paghahabi ng tela

Humanga rin ang lahat sa sining ng pagpapalayok (pottery). Ibinahagi sa grupo ang proseso ng paggawa ng palayok, mula sa paghahanda ng clay, sa paghulma ng nais na anyo, pagpapatuyo, pagluto, at paglalagay ng disenyo. Lalo pang naging masaya at makabuluhan ang karanasan nang subukan nila Bb. San Antonio, G. Limuco, G. Robles, at Padre Vic de Jesus SJ ang mismong paghuhulma ng palayok.

Ang mga sumubok sa paghugis ng palayok: Sina Bb San Antonio, G Robles, Padre Vic de Jesus SJ, at G Limuco
Ang mga sumubok sa paghugis ng palayok: Sina Bb San Antonio, G Robles, Padre Vic de Jesus SJ, at G Limuco

Bilang pangwakas ng Sagada tour, naglakbay ang grupo sa tanyag na Bomod-ok Falls sa Barangay Banga-an. Nang matapos ang mahabang paglalakad ay tila napawi ang pagod dahil sa ganda ng talon na ito. Malinaw at malinis ang tubig ng talon, kaya naman halos lahat kami ay tuwang-tuwang nagtampisaw at lumangoy sa malamig na tubig. Isang gantimpala para sa amin ang marating ang magagandang tanawin at makihalubilo sa aming mga kasama sa isang hindi malilimutang paglalakbay.

Nakarating din sa Bomod-ok Falls
Nakarating din sa Bomod-ok Falls!  

Sama-sama naming nasaksihan ang kagandahan ng kalikasan sa mga bundok, kuweba, batis at talon. Sinubukan nito ang aming tapang, tatag, at tiwala sa sarili at sa kapwa. May ilan sa mga magkakasama na natuklasan na kaya pala nila ang sa simula’y akala nilang di nila kakayanin. Napakaganda rin ng bayanihan ng mga taga-AGS! Lubos din ang aming pasasalamat sa kasama naming mga tour guide na siyang nagsilbing aming mga ilaw, tungkod, hagdan at lakas ng loob para mapagtagumpayan ang lahat ng naging hamon sa paglalakbay na ito. Umuwi kaming masaya at maraming baong kuwento at handang ipahayag sa lahat ang ganda at yaman ng Sagada. 

General Interest Mission & Formation Grade School
Share:

Recent News

ASHS student Cyan Blanca earns multiple podium finishes in 2026 climbing competitions

03 Nov 2026

BE karatekas record multiple podium finishes across three events

03 Nov 2026

PAGSIBOL: A Theological Reflection on the Laudato Si’ Retreat

03 Nov 2026

AGS football team captures QC Division Meet title, advances to NCR Meet

03 Nov 2026

Ateneo grade schoolers experience joy of problem solving in summer math program

01 Nov 2026

A math major’s training: How the Freshman Enhancement Program (FrEP) solidified my math journey

01 Nov 2026

Ateneo Math showcases diverse research at 2026 MSP Annual Convention in Pangasinan

01 Nov 2026

URH Residency Application for the 2nd Semester SY 2026-2027 Now Open

31 Oct 2026

Traffic Bulletin: Dismissal Schedule – 2 to 6 November 2026 (CSMO Memo)

31 Oct 2026

Submission of list of off-campus activities for the rest of SY 2026-2027 (Memo No. AGSB-DO-2627-015)

31 Oct 2026

Pagination

  • First page « First
  • Previous page ‹ Previous
  • …
  • Page 5
  • Page 6
  • Page 7
  • Page 8
  • Page 9
  • Page 10
  • Page 11
  • Page 12
  • Page 13
  • …
  • Next page Next ›
  • Last page Last »

You may also like these articles

College Clinic Memo

21 Nov 2026

Updating of Medical Records Second Semester SY 2026-2027

14 November 2026 TO: Undergraduate and Graduate Students FROM: Higher Education Office of Health Services-College SUBJECT: Updating of Medical Records Second Semester SY 2026-2027 Please

Close up of University seal and logo at Xavier Hall

20 Nov 2026

Promotion of Faculty in the Senior High School (Memo U2627-050)

(Memo # U2627-050) I am pleased to announce that upon the recommendation of the Senior High School Committee on Faculty Rank and Permanent Appointment and the endorsement of the Vice President for Basic Education, I am approving the promotion of the following faculty members in the Senior High School:

Xavier Hall University Seal

20 Nov 2026

Demise of Mr Silvestre P Villarin(Memo U2627-049)

(Memo U2627-049) We extend our condolences to Fr Jose Ramon “Jett” T Villarin SJ and his family on the passing of his father, Mr Silvestre Villarin, on 18 November 2026 at the age of 96. Fr Villarin is the former University President, a faculty member of the Department of Physics, and the Executive Director of the Manila Observatory.

NBW 2026

19 Nov 2026

[AGS] National Book Week

Open a Book, Stories Unfold, Wonders Flow Let us come together as one AGS community to celebrate the 92nd National Book Week with the theme

Startup Founders Left to Right: Kier Leopando, Soolok Properties; Engr. Mark Bantugon, Pili AdheSeal; Patrick De Guzman, Saltric Power; Photo by: Bryan Erfe

19 Nov 2026

Three Ateneo-incubated startups secure DOST-PCIEERD’s startup grant fund

Last 9 November, during the opening day of Philippine Startup Week 2026, Soolok Properties Inc, Pili AdheSeal Inc, and Saltric Power (PDG Engineering Services), three

Ateneo Policy Center presents study on local health spending at DBM Fiscal Policy Conference 2026

17 Nov 2026

Ateneo Policy Center presents study on local health spending at DBM Fiscal Policy Conference 2026

On 19 October 2026, the Ateneo School of Government, through its research and policy unit, the Ateneo Policy Center (APC), presented findings from a study

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001

Search