40 Days of Lent: Day 32
03 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 32
Have you ever had an experience when you said some words and wanted to take them back? Did you ever think of something then moved yourself to consciously not dwell on it? Are there words and thoughts that you wish would be less present from your vocabulary and mind? As persons, we cannot be fully correct, appropriate or helpful with what we say or think all the time. But there still lie the secret and the gift: we can choose what comes out of our lips and what we focus our thoughts on.
Words were a very important part of Jesus’ mission. What he said encouraged faith. How he said them gave a glimpse of his heart and his Source. At the same time, even when no one could really predict what he was thinking, we know what filled his mind for the focus of his thoughts was reflected in his actions. He was all about compassion as seen in how he fed followers and cured the sick. He was filled with forgiveness even when pained by abandonment and denial of friends. He was always inclined towards love, even up to the last moment when he entrusted caring for each other and when he turned himself to the hands of the Father.
Perhaps we all desire to be instruments of goodness and hope. We can become more so if we are mindful of our utterances and thoughts. And so what words do you need to say more? What do you need to say less? What do you need to fill your mind with more? What do you need to dwell on less? We can never be perfect like Jesus with what we say and think but we can take little steps to improve our day and inspire or heal others. God, being ever-present, can be felt and manifested meaningfully through our words and thoughts.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-39 Araw
Nakapagsalita ka na ba nang patapos na nais mong bawiin? May naisip ka bang biglang nakagimbal na ayaw mong panatilihin? May mga umiiral ba sa iyong pananalita at isip na ibig mong iwaglit? Bilang tao, hindi laging tama, angkop o nakatutulong ang mga sinasabi at iniisip natin. Subalit ito ang lihim at biyaya: maaaring piliin ang magmumula sa bibig at pagtutuunan ng isip.
Napakahalagang bahagi ng misyon ni Hesus ang mga salita. Nakapanghikayat na manampalataya ang kanyang mga sinabi. Natunghayan ang kanyang kalooban at Bukal sa kanyang paraan ng pananalita. At kahit na walang nakatanto ng kanyang iniisip, nabatid natin ang rurok ng kanyang diwa sapagkat namalas ang tuon ng kanyang pansin sa kanyang mga gawa. Puspos siya ng malasakit na nakita nang pinakain niya ang gutom at pinagaling ang may sakit. Lubos ang kanyang pagpapatawad kahit pa nasaktan sa pagtalikod at pagtatwa sa kanya ng mga kaibigan. Lagi siyang umiibig, hanggang sa huling sandali na inihabilin pa ang pangangalaga ng isa’t isa at isinuko ang sarili sa piling ng Ama.
Marahil ninanasa nating lahat na maging daluyan ng kabutihan at pag-asa. Higit nating maisasagawa ito kung malay tayo sa sinasabi at iniisip. Kung kaya anong mga salita ang kailangan mong higit na sambitin? Ano ang nararapat na mawaglit? Ano ang kailangang pagtuunan ng isip? Ano naman ang nararapat na iwasang isipin? Hindi tayo kailanman magiging perpekto sa salita at diwa tulad ni Hesus subalit maaaring magkaroon ng maliliit na hakbang upang pagbutihin ang araw at pakikipagkapwa. Sapagkat nasa lahat ng bagay ang Diyos, maaari Siyang madama at maipadanas nang may higit na kabuluhan sa salita at diwa.