[AGS] United Nations Day
19 Oct 2026
Sama-sama sa Gawa, Bunga’y Para sa Lahat Bayanihan para sa mundong patas, ligtas at masaya.
Tuwing Oktubre 24, kaisa tayo ng buong mundo sa pagdiriwang ng United Nations Day. Sa temang "Sama-sama sa Gawa, Bunga’y Para sa Lahat," muling ipinaaalala sa atin ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa.
Lagi nating tandaan na ang bawat kilos natin ay may epekto sa iba kaya dapat, araw-araw nating piliin ang paggawa ng nakabubuti para sa nakararami. Nawa'y maging gabay natin ito upang mag-ambag sa ating pamayanan, maliit man o malaki. Sa ganitong paraan, maaari nating malampasan ang anumang pagsubok o problema. Sa pamamagitan ng sama-samang paggawa ng mabuti, nagkakaroon tayo ng pag-asa para sa magandang kinabukasan at unti-unting naitataguyod ang mas ligtas, masaya, at maunlad na mundo para sa bawat isa.
Write-up at banner design mula sa Kagawaran ng Araling Panlipunan