Skip to main content

Main Secondary Navigation

  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • News
  • Events

Main navigation

  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • [FIL] Ang aming Tugon at Pangako

[FIL] Ang aming Tugon at Pangako

03 Jul 2026 | Fr RB Hizon SJ, University Spokesperson

Read in English | Cebuano

Pahayag mula sa Pamantasang Ateneo de Manila: Ang aming Tugon at Pangako

Patuloy ang pagluluksa ng komunidad ng Pamantasan ng Ateneo de Manila sa pagpanaw nina Rene Baterbonia at Divine Adili. Ipinapaabot namin ang taos-pusong pakikiramay sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay, sa kapwa nila manlalaro at mga kaibigan, at sa bawat miyembro ng komunidad ng Ateneo na patuloy na nagdadalamhati dulot ng pangyayaring ito.

Walang salita ang makapapawi sa dalamhating pinagdadaanan ng mga nawalan ng anak, mga kaanak, mga kasama sa kupunan, at mga kaibigan. Kinikilala namin ang aming tungkulin na makipag-ugnayan sa aming komunidad, ihayag ang mga aksyong isinasagawa ng Pamantasan, at ipaliwanag ang mga usaping kayang bigyang-linaw sa kasalukuyan.

Paunang Salita

Nais naming magbigay linaw sa komunidad ng Pamantasan, maging sa publiko, ng mga pangyayari, kasabay ng pagbigay galang sa integridad ng kasalukuyang ligal, regulatibo, at institusyonal na proseso.

Sinasalamin ng pahayag na ito ang mga nalalaman ng Pamantasan sa kasalukuyan, ang mga aksiyon na naisagawa, at ang mga pangakong binitawan, habang patuloy ang imbestigasyon.

Batid naming marami pang mahahalagang katanungan ang kailangang sagutin. May ilang bagay ang naipaliwanag at nagkaroon ng linaw, habang ang iba naman ay patuloy pang sinusuri at iniimbestigahan sa legal, regulatibo, at institusyonal na proseso. May pagkakataong ding may magkakaibang ulat, perspektiba, at konklusyon, at patuloy pa itong sinusuri hanggang sa magkaroon ng linaw.

Bilang paggalang sa mga prosesong ito, magbibigay lamang ng pahayag ang Pamantasan sa mga usaping kaya nitong patotohanan. Kami ay naniniwala na ang katapatan ay hindi lamang nangangailangan ng pagbabahagi ng aming nalalaman, kundi pati na rin ang pagkilala sa mga bagay na patuloy pa ring sinusuri, at ipaliwanag kung bakit ang ilang katanungan ay hindi pa maaaring masagot sa ngayon.

1. Ang Agarang Tugon ng Pamantasan

Unang nalaman ng Pamantasan ang tungkol sa trahedya noong ika-8 ng Hunyo 2026, bandang 4:30 ng hapon, nang ipagbigay-alam ng Team Manager sa Pangulo ng Pamantasan na si Fr.

Bobby Yap ang pagpanaw ni Rene Baterbonia at isinugod naman sa ospital si Divine Adili. Kasunod nito, nakatanggap ng kumpirmasyon si Fr. Bobby na pumanaw na rin si Divine.

Nang malaman angtrahedyang ito, agad inabisuhan ng Pamantasan, sa pangunguna ni Fr. Bobby, ang bawat pamilya tungkol sa pagpanaw at ang pagpapa-abot ng mensahe na tutulungan at magbibigay suporta ang Pamantasan sa lahat ng kanilang pangangailangan.

Agaran ding kumilos ang Pamantasan para sa transportasyon ng mga labi nina Rene at Divine mula Dipaculao patungong Maynila, pati na rin para sa pagbabalik ng mga miyembro ng Men’s Basketball Team, coaching staff, at support personnel.

Nang maabisuhan na ang mga pamilya, nagbigay na ng pahayag sa publiko ang pamantasan.

Noong ika-9 ng Hunyo, personal na nakipagkita at nagpahayag ng pakikiramay si Fr. Bobby sa mga magulang ni Rene sa Arlington Memorial Chapel.

2. Suporta para sa mga Pamilya nina Rene Baterbonia at Divine Adili

Ang naging tugon ng Pamantasan ay hindi lamang para harapin ang mga agarang epekto ng trahedya, kundi ang samahan din ang dalawang pamilya, mag-abot ng tulong, at magbigay ng tuloy-tuloy na pag-aaruga.

Noong umaga ng ika-9 ng Hunyo, pormal na nagbuo ang Pamantasan ng isang Crisis Management Team upang i-coordinate ang pagsama sa pamilya, pangangalagang pastoral, counseling, psycho-spiritual support, crisis communication, dokumentasyon, fact-finding, at pagsusuri ng mga institusyonal na sistema at polisiya.

Ang grupo ay patuloy na nagpupulong nang regular mula nang mangyari ang insidente upang i-coordinate ang patuloy na tugon ng Pamantasan.

Bagamat hindi agad namin isinapubliko ang bawat aksyong aming nagawa, ang pagtulong sa mga pamilya ay nagsimula noong ika-8 ng Hunyo at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Nag-alok ang Pamantasan na sagutin ang mga gastusin sa pagbiyahe ng pamilya ni Rene mula Agusan patungong Maynila upang makita nila agad ang mga labi ni Rene. Bagamat tinanggap ng pamilya ang tulong sa transportasyon na ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Agusan del Sur, nanatiling walang pagbabago ang mga pangako ng Pamantasan.

Kalaunan sa araw na iyon (ika-9 ng Hunyo), binisita ni Fr. Bobby ang burol ni Rene upang ipaabot nang personal ang aming taos-pusong pakikiramay at ang paghingi ng tawad sa mga magulang at pamilya ni Rene. Gamit ang wikang Cebuano, ipinarating niya ang komitment ng Paamantasan na kaisa ang buong komunidad nito sa pakikidalamhati at pag tiyak sa agarang pagtulong sa mga darating pang araw.

Sinagot ng Pamantaasan ang lahat ng gastusin kaugnay sa burol pati na ang pagbabalik ng pamilya Baterbonia sa Agusan via Davao. Samantala, si Fr. Joaquin Jose Mari C. Sumpaico III SJ, Pangalawang Pangulo para sa Basic Education, ang kumatawan sa Ateneo de Manila sa libing ni Rene.

Sa buong panahong ito, nanatili ang Pamantasan sa pakikipag-ugnayan sa pamilya sa pamamagitan ng Ateneo de Davao University at kay Fr. Karel San Juan, SJ, para sa pagsuporta sa pamilya ni Rene.

Sinagot din ng Pamantasan ang mga gastusin ng pamilya Adili mula sa burol hanggang sa paghatid ng mga labi nito sa huling hantungan sa Nigeria. Ang mga kasama ng labi ni Divine sa pag-uwi ay ang kanyang amain, isang kinatawan ng Embahada ng Nigeria, at si Fr. Sigmund De Guzman, SJ, na Chaplain ng Kolehiyo sa Ateneo de Manila.

Patuloy ang pag-alok ng tulong at suporta ng Pamantasan sa mga pamilya matapos maihatid sa huling hantungan sina Rene at Divine.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga indibidwal, institusyon, pampublikong opisyal, at mga miyembro ng komunidad ng Ateneo na nag-abot din ng tulong at pakikiramay sa dalawang pamilya sa panahon ng pagluluksa at kalungkutan.

Ang pakikiisang ito ay nakatulong ngunit hindi kailanman nagbago ang patuloy na pangako ng Pamantasan na samahan ang dalawang pamilya sa panahon ng pagsubok na ito.

3. Suporta para sa mga Estudyanteng-Atleta at sa Iba Pang Direktang Naapektuhan

Kinikilala namin na ang mga nakaligtas na estudyanteng-atleta, mga coach, kawani, at iba pang direktang naapektuhan ng trahedyang ito ay nakaranas din ng matinding pagdadalamhati, trauma, at pangmatagalang emosyonal at sikolohikal na mga epekto.

Ang mga nakaligtas na estudyanteng-atleta ay hindi lamang nakasaksi sa trahedyang ito kundi nawalan din ng kanilang mga minamahal na kasamahan sa koponan at mga kaibigan. Sila rin ay ating bigyan ng malasakit, respetuhin ang dangal, at bigyan ng pagkakataong maghilom.

Mula nang mangyari ang insidente, patuloy ang ating pagbigay ng pastoral, sikolohikal, psycho-social, akademiko, at iba pang angkop na uri ng suporta sa mga estudyanteng-atleta

at mga miyembro ng komunidad ng Pamantasan na naapektuhan ng mga kaganapang ito. Ang counseling, psycho-spiritual na paggabay, at iba pang mga inisyatiba tungo sa well-being ay nananatiling bukas at magpapatuloy hangga't kinakailangan.

Kinapanayam at kinausap din natin ang mga magulang at pamilya ng mga estudyanteng-atleta, kabilang ang pagtalakay sa kung paano nila haharapin ang epekto ng social media, atensyon ng publiko, maling impormasyon, at maging ang online harassment mula sa mga troll at mga taong may masamang intensyon.

Mariing kinokondena ng Ateneo ang harassment, cyberbullying, mga pagbabanta, pampublikong paglalathala ng personal o sensitibong impormasyon nang walang pahintulot, at trial by publicity na nakatuon sa sinumang miyembro ng aming komunidad. Ang mga ganitong aksyon ay nagpapalalim lamang sa pinsalang idinulot ng trahedyang ito.

Kinikilala rin ng Pamantasan na ang ilang miyembro ng komunidad ay kasama sa mga kasalukuyang imbestigasyon sanhi ng insidente sa Aurora. Habang kailangang dumaan sa legal na proseso, nananatiling nakatuon ang Pamantasan sa pagtiyak na ang mga direktang naapektuhan ay may access sa angkop na gabay at pastoral na pangangalaga, counseling, at kung nararapat, ligal na tulong na naaayon sa mga patakaran ng Pamantasan at sa mga umiiral na batas.

Ang suporta ng Pamantasan para sa mga naapektuhan ng trahedyang ito ay hindi magpapahina sa aming paghanap ng accountability. Sa halip, ipinapakita nito ang responsibilidad ng Pamantasan na kalingain ang bawat miyembro ng komunidad habang hinahayaang lumabas ang katotohanan sa pamamagitan ng mga tamang prosesong ligal at institusyonal.

4. Aksyon ng Institusyon

Batid namin na may mga magkakaibang isyu o usaping factual at ligal na lumabas hinggil sa aktibidad sa Aurora.

Ang mga usaping ito ay kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad upang maresolba sa korte. Dahil sa paggalang sa mga prosesong ito, hindi muna kami magbibigay ng mga hindi-tiyak at beripikadong impormasyon tungkol sa mga bagay na kasalukuyan pang iniimbestigahan, o maglabas ng mga ligal na kongklusyon kung saan sa korte nararapat na tinatalakay at pinagpapasyahan.

Mananatili kaming makikipagtulungan sa mga imbestigasyon ng mga kinauukulan at igagalang namin ang magiging desisyon mula sa mga tamang ligal na proseso.

Anuman ang maging desisyon sa mga prosesong iyon, ang Pamantasan ay may tungkulin bilang isang institusyon na suriin ang mga kasalukuyan nitong polisiya, protokol, at patakaran upang malaman kung saan kailangan ng mga pagbabago o pagpapabuti.

5. Ang Pagsulong ng Aming Komitment

Mahalagang lumabas ang mga katotohanan, at kasabay nito, patuloy na natututo ang pamantasan mula sa insidenteng ito nang may katapatan at pagpapakumbaba, at ang pagtiyak na ang bawat aral na matututuhan ay magdudulot ng makabuluhang pagpapabuti sa institusyon.

Anumang mga susunod na matutuklasan at konklusyong mararating sa pamamagitan ng iba't ibang ligal at prosesong regulatori, ay patuloy na magsisilbing gabay sa mga pagbabago sa mga pamamaraan, mga patakaran, at mga institusyonal safeguards ng pamantasan.

Ang aming layunin ay hindi lamang ang maunawaan ang nangyari, kundi ang matukoy at matugunan din ang anumang mga patakaran, gawi, estruktura ng pamamahala, o mga kakulangan sa institusyon upang patatagin ang mga sistemang nagbabantay sa kaligtasan, kapakanan, at paghubog ng bawat estudyanteng ipinagkatiwala sa pangangalaga ng institusyon, maging sa palakasan (athletics) at sa iba pang aktibidad ng Pamantasan.

Patuloy kaming magbibigay ng mga kaukulang updates sa oras na magkaroon ng linaw ang mga karagdagang impormasyon at kung may mga desisyong institusyonal na nagawa.

Nananatili kaming nakatuon sa paghahanap ng katotohanan nang may integridad, may malasakit na pagsuporta sa lahat ng naapektuhan, sa pagpapatatag ng institusyon nang may pagpapakumbaba, at sa pagbibigay-dangal sa alaala nina Rene at Divine sa pamamagitan ng makabuluhan, pangmatagalan, at tiyak na aksyon.

Sa mga ganitong sandali, hindi sapat ang mga salita lamang. Kami ay naniniwala na sa paglipas ng panahon, makikita ang aming paninindigan sa katotohanan, pananagutan, pagkatuto, at makabuluhang pagbabago. Ito ang aming tungkulin kina Rene at Divine, sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay, at sa bawat miyembro ng pamayanang Ateneo.

Sports & Sports Science General Interest Mission & Formation Sports & Athletics Administration Health & Safety President's Cluster Mission Integration
Share:

Recent News

AGS Midgets F football team captures La Liga 2026 Challengers Cup championship

12 Nov 2026

JGSOM representatives complete green finance training in Poland, sets sights on 2027 micro-credential launch

12 Nov 2026

Karin Fernandez of AJHS guidance team presents paper on inclusive education in Chengdu

12 Nov 2026

JGSOM Representatives Participate in Green Finance Training at the University of Twente

12 Nov 2026

Professor Emeritus Dr Emma Porio highlights climate resilience and biodiversity at international conferences

12 Nov 2026

Plan C Enlistment Schedule for the Second Semester, SY 2026-2027 for GBSEALD, JGSOM, SOH, SOSE, RGLSOSS

12 Nov 2026

Dr Dennis B Batangan joins global panel on commercial determinants of health at PMAC 2027

12 Nov 2026

Professor Emeritus Dr Emma Porio highlights intersectional resilience pathways for climate-ready coastal cities at Iloilo scientific forum

12 Nov 2026

Ateneo research helps shape Pasig City's landmark health data governance policy

12 Nov 2026

Ateneo advances digital mental health systems through eMHPRe UHC project

12 Nov 2026

Pagination

  • First page « First
  • Previous page ‹ Previous
  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • Page 4
  • Page 5
  • Page 6
  • Page 7
  • Page 8
  • Page 9
  • …
  • Next page Next ›
  • Last page Last »

You may also like these articles

College Clinic Memo

21 Nov 2026

Updating of Medical Records Second Semester SY 2026-2027

14 November 2026 TO: Undergraduate and Graduate Students FROM: Higher Education Office of Health Services-College SUBJECT: Updating of Medical Records Second Semester SY 2026-2027 Please

Close up of University seal and logo at Xavier Hall

20 Nov 2026

Promotion of Faculty in the Senior High School (Memo U2627-050)

(Memo # U2627-050) I am pleased to announce that upon the recommendation of the Senior High School Committee on Faculty Rank and Permanent Appointment and the endorsement of the Vice President for Basic Education, I am approving the promotion of the following faculty members in the Senior High School:

Xavier Hall University Seal

20 Nov 2026

Demise of Mr Silvestre P Villarin(Memo U2627-049)

(Memo U2627-049) We extend our condolences to Fr Jose Ramon “Jett” T Villarin SJ and his family on the passing of his father, Mr Silvestre Villarin, on 18 November 2026 at the age of 96. Fr Villarin is the former University President, a faculty member of the Department of Physics, and the Executive Director of the Manila Observatory.

NBW 2026

19 Nov 2026

[AGS] National Book Week

Open a Book, Stories Unfold, Wonders Flow Let us come together as one AGS community to celebrate the 92nd National Book Week with the theme

Startup Founders Left to Right: Kier Leopando, Soolok Properties; Engr. Mark Bantugon, Pili AdheSeal; Patrick De Guzman, Saltric Power; Photo by: Bryan Erfe

19 Nov 2026

Three Ateneo-incubated startups secure DOST-PCIEERD’s startup grant fund

Last 9 November, during the opening day of Philippine Startup Week 2026, Soolok Properties Inc, Pili AdheSeal Inc, and Saltric Power (PDG Engineering Services), three

Race Manhit’s medal and trophy haul reflects his remarkable achievement of securing his fourth consecutive US Kids Tour Championship, adding the 2026 Fall Tour title to his previous championships in Spring 2025, Fall 2025, and Spring 2026.

19 Nov 2026

AJHS golfer Race Manhit wins 2026 US Kids Fall Tour Championship

Ateneo de Manila Junior High School (AJHS) varsity golfer Race Manhit emerged as the 2026 US Kids Golf Fall Tour Champion in the Boys 13–14

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001

Search