University Statement on Coach Tab Baldwin
11 Jun 2026
[EN] University Statement on Coach Tab Baldwin
The University wishes to clarify that Coach Tab Baldwin's silence following the tragedy was not a personal decision made independently of the University.
The University requested that Coach Baldwin refrain from making public statements to allow the official processes to proceed and the facts to be established before any public discussion of the matter.
In the immediate aftermath of this heartbreaking loss, our guidance to Coach Baldwin was to focus his attention on the emotional and psychological welfare of the players, coaches, and staff affected by the incident, while also attending to his own well-being as someone who is grieving alongside the rest of the community.
At a time when our priority was caring for those most directly affected, we believed it was neither appropriate nor helpful to ask Coach Baldwin to engage in public commentary while the community was mourning and while the circumstances surrounding the incident were still being examined.
His silence should therefore not be misconstrued as indifference or a lack of concern. Rather, it reflects the University's decision to place care, healing, and due process ahead of public discussion.
As the various inquiries proceed, the University remains confident that the truth, established through facts rather than speculation, will in due course provide the clarity and understanding that this tragedy demands.
[FIL] Pahayag ng Pamantasan Hinggil Kay Coach Tab Baldwin
Nais linawin ng Pamantasan na ang pananahimik ni Coach Tab Baldwin kasunod ng naganap na trahedya ay hindi personal na desisyong ginawa niya nang mag-isa.
Hiniling ng Pamantasan kay Coach Baldwin na huwag munang magbigay ng pahayag upang bigyang-daan ang mga opisyal na proseso ng imbestigasyon at nang matiyak muna ang mga katotohanan bago magkaroon ng mga pampublikong pagtalakay ukol sa nangyari.
Makalipas ang nakapanlulumong trahedya, kagyat na binigyang gabay si Coach Baldwin na ituon muna ang kanyang oras at lakas sa emosyunal at sikolohikal na kapakanan ng mga manlalaro, kapwa coach, at mga kawani na lubhang naapektuhan ng insidente. Samantala, pinayuhan din siyang pangalagaan ang kaniyang sarili habang nagluluksa siya kasama ng ating komunidad dito sa Ateneo.
Sa panahong ang pangunahin nating hangad ay mapangalagaan ang pinaka-nagdadalamhati, naninindigan tayong hindi nararapat o nakatutulong na hilingin kay Coach Baldwin na makilahok sa publikong panayam habang kasalukuyan pang nililinaw ang mga kaganapan sa gitna nang pagluluksa ng ating komunidad.
Kaugnay nito, ang kanyang pananahimik ay hindi dapat ipakahulugan bilang kawalan ng malasakit o pagkabahala. Bagkus, ito ay bunga ng pagpapasya ng Pamantasan na unahin ang pagkalinga, paghilom at karampatang proseso bago ang mga pagtalakay sa publiko.
Habang umuusad ang iba’t ibang imbestigasyon, nananatiling matatag ang Pamantasan na ang katotohanan na nakalap mula sa masusing pag-aaral ng mga tunay na nangyari at hindi ng mga haka-haka, ang sa mga susunod na araw ang magbibigay kalinawan at higit na pag-uunawa sa trahedyang naganap.
(Sgd) Fr Roberto C Yap SJ
University President