Sa Parang ng Digma 2026
17 Jul 2026 | Areté
Ihahandog ng Areté ang dalawang dulang tumatalakay sa iba't ibang anyo ng pakikidigma ng tao at lipunan laban sa awtoritaryanismo, inhustisya, pagpapaimbabaw, at pansariling hangarin.
Subversive Lives (Agosto 2026), sa direksiyon ni Dephine Buencamino
Isang makapangyarihang dulang nagbibigay-buhay sa mga kuwento ng mga taong nangahas tumindig, lumaban, at magbigay-inspirasyon sa paghubog ng mas makatarungang lipunan.
Carmen (Nobyembre 2026) , sa direksiyon ni Jaime del Mundo
Isang kuwento ng pag-ibig, kalayaan, at ng mga kahihinatnan ng pagsunod sa sariling puso.
*Ang Makamisa (sa direksiyon ni Nelsito Gomez at adaptasyon ni Guelan Varela-Luarca), na orihinal na itinakda para sa Pebrero 2027, ay ililipat sa susunod na siklo ng mga pagtatanghal.
Tampok Sa Parang ng Digma ang mga dulang nag-aanyaya sa atin na pagnilayan ang mga umiiral na pamantayang panlipunan at ang mga anyo ng indibidwal at kolektibong pagtuligsa sa dominanteng kapangyarihan.