Lenten Reflection: Damage Control
04 Apr 2025 | Office for Mission and Identity (OMI)
We all know imperfection, insufficiency, damage. In our day-to-day life, we encounter evidence of these in our surroundings, our work, and in moments of deep self-awareness, we may even embrace it in our self. To acknowledge such truth as part of who we are is not to belittle our gifts, wallow in self-pity or make excuses when we commit mistakes. It is to face facts and constructively proceed from that knowledge and admission. To some extent, it is so we can put more effort in not letting our woundedness cause more harm than it should on us and on others.
Since we are, indeed, broken in ways that form and confirm our humanity, there is a mindfulness required so that we live out the better parts of who we are. And together with the reality that we can always do something to make things better because we have been blessed with the capacity to choose good, we have been offered the best ‘damage control’ that we can ever have: Christ became one of us and gave His life for our sake. That action was important for it saved us from sin and it showed us a way out of darkness. At the same time, its meaning is in its reminder and affirmation of who we are. Jesus was on that cross because as much as we are imperfect and insufficient, we are and will always be His beloved.
We are everything that our woundedness and being damaged makes us – we always cause our own difficulties and we will never stop facing struggles. But to our Creator, we are not just problems to be solved, errant people to be disciplined, nor criminals to be punished. We are His creations, His children, His loved ones. And this gives us reason to hope for healing and pursue salvation despite our shortcomings. And so in the midst of all that’s broken, we can ask: how am I allowing God to love me and lift me up? In what ways can I see His grace bringing fulfillment where I lack? Which part of myself or my life do I need His divine assistance?
Batid nating lahat ang pagiging hindi perpekto, pagkakaroon ng pagkukulang, pagkasira. Sa pang-araw-araw na buhay, nakikita natin ang mga patunay nito sa ating kapaligiran, sa gawain, at sa mga pagkakataon ng malalim na pagmamalay, maaari rin natin itong yakapin sa sarili. Ang pagkilala nitong katotohanan bilang bahagi ng kung sino tayo ay hindi upang maliitin ang ating kabiyayaan, malugmok sa pagmamaliit o magkaroon ng palusot kapag nagkakamali tayo. Pagharap ito sa anong tunay at pag-usad nang tama mula rito sa kaalaman at pag-amin. Sa isang banda, ito ay upang mas makatuon tayo na hindi hayaan ang ating pagkakasugat na magdulot ng higit pang pasakit sa sarili at sa kapwa.
Sapagkat tayo nga ay may lamat sa mga paraang humuhubog at nagpapatotoo sa ating pagiging tao, kinakailangan nating maging malay upang isabuhay ang mas mabuting bahagi ng kung sino tayo. At kasama ng realidad na lagi at lagi tayong may magagawa upang mas maisaayos ang kalagayan sapagkat binigyan tayo ng kakayahang pumili ng mabuti, pinagkalooban din tayo niyong pinakadakilang pagtitimpi ng kapinsalaan (damage control): nakapiling natin si Kristo at inialay Niya ang Kanyang buhay para sa ating kapakanan. Mahalaga iyong Kanyang naging pagkilos sapagkat iniligtas tayo nito sa pagkakasala at nagturo ito ng landas mula sa karimlan. Kaugnay niyon, ang pinakamalalim na kahulugan nito ay iyong paalaala at paninindigan sa kung sino tayo. Naroon si Hesus sa krus sapagkat bagaman hindi tayo perpekto at mayroon tayong mga kahinaan, tayo ang Kanyang mga minamahal.
Totoong sugatan at may yurak tayo – mayroon tayong idudulot na mga pabigat at walang-humpay ang mga hamong kinakaharap natin. Subalit sa ating Tagapaglikha, hindi lamang tayo mga suliraning dapat lutasin, mga palpak na taong dapat disiplinahin, mga kriminal na dapat usigin. Mga likha Niya tayo, Kanyang mga anak, Kanyang iniibig. At nagkakaloob ito ng dahilan upang umasa sa paghilom at piliin ang pagkakaligtas sa kabila ng ating mga pagkukulang. Kung kaya sa gitna ng mga pinsala, maaari nating tanungin: paano ko hinahayaan ang Diyos na mahalin at iangat ako? Sa anong mga paraan ko nararanasan ang Kanyang biyaya na pumupuno sa aking mga kakulangan? Anong bahagi ng aking pagkatao at buhay ang nangangailangan ng Kanyang banal na tulong?
#ateneoishome #aihlentenreflections