[AGS] Scouting Week
07 Oct 2024
Makalipas ang 165 taon, binuksan ng Ateneo de Manila Grade School ang pinto para sa mga mag-aaral na batang babae. Alinsunod ito sa Lux-in-Domino strategic plan ng paaralan na naglalayong yakapin ang pagkakaiba-iba ng bawat mag-aaral at pagpapaabot o pagpapalawak ng Ignatian education para sa lahat.
Gayundin naman, nagkaroon ng samahang huhubog sa bagong miyembro ng komunidad upang sila ay maging mabait at may tiwala sa sarili- ang Twinkler Girls Scout. Inaasahan din ang taos-pusong pag-agapay at pagtanggap nang 3 mas matandang seksyon ng scouting - KID, KAB, at Boy Scouts sa nakababatang twinklers. Dahil dito, binuo ang tema na "Masaya, Matatag, at Maunlad ang Samahang Bukas ang Puso Para sa Lahat" na siyang magiging gabay ng scouting movement ng AGS para sa taong ito.
Inihanda ni Beverly I. Ciruelos