8 Setyembre 2023: Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
07 Sep 2023
8 Setyembre 2023
KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
Taun-taon tuwing ikawalo ng Setyembre, ipinagdiriwang natin ang Pista ng Kapanganakan ng ating Mahal na Inang Maria, patron ng Ateneo de Manila.
Sa pagdiriwang na ito, ipinaaalala sa atin ang matapat at malalim na paghahangad ng Diyos upang ibahagi sa ating lahat ang Kaligtasan, sa pamamagitan ni Maria na kanyang itinalaga bilang Ina ng Tagapagligtas. Tunay na ang ating mahal na Inang Maria ay isang huwaran para sa ating lahat ng bukas-palad na pagtugon sa mga biyaya ng Diyos.
Ngayong araw, sa ating pagdiriwang ng kaarawan ng ating mahal na Ina, hilingin natin sa kanya na tayo ay ipanalangin, kasama na ang ating mga pamilya, paaralan, at bansa. Nawa’y palagian niyang ipagkaloob sa atin ang kanyang kalinga at gabay, bilang mabuting Ina sa ating lahat.

About the photo:
Nativity of Mary by Pianobits | CC BY-SA 4.0