Ang pagbabalik ng KFD sa AJHS
21 Oct 2022 | CSIP
19 Oktubre 2022: Masigabong sinalubong ng Ateneo de Manila Junior High School (AJHS) ang muling pagbabalik ng Katipunan Fund Drive (KFD) makalipas ang dalawang taong-aralan. Sa mga piling araw mula Okt. 19 hanggang Nob. 25, sama-samang magtitinda ng mga produktong Pinoy ang 19 na pangkat sa EDSA Walk ng AJHS. Layon ng KFD na isabuhay ng mga mag-aaral ng AJHS ang pakikipagkapwa at paglilingkod sa pamamagitan ng paglikom ng pondo para sa mga nasalanta ng kalamidad, para sa partner communities ng Christian Service and Involvement Program, at para sa mga Jesuit Apostolate tulad ng Bilibid at PGH. Kasabay ng pagiging tindero at parokyano, ang mga mag-aaral ng AJHS ay nagpapakabayani dahil sa KFD.





AMDG.