Pakikimuhay, Pakikipagkapwa, Pakikiisa
18 Sep 2026 | Jan Carlo Magcalas
Noong July 22-24, nakipamuhay ang mga student volunteer (SV) ng Office for Social Concern and Involvement (OSCI) sa mga magsasaka ng San Joseph Free Farmers Association of Antipolo, Inc. (SJFFAAI). Mula rito, nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga SV sa mga naratibo ng mga magsasaka at sa mga hamon na kanilang kinakaharap.
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga SV para sa mainit na pagtanggap ng mga nanay ng SJFFAAI at para sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman at karanasan sa pagsasaka. Saludo at hanga ang SVs sa pagkakabuklod at sa pamamayani ng bayanihan sa komunidad.
Patuloy na nakikiisa ang OSCI Student Volunteers Formation Program (SVFP) sa mga panawagan ng mas malaking sektor ng agrikultura para sa patuloy at karagdagang suporta mula sa gobyerno. Kasama dito ang seguridad sa lupa, proteksyon laban sa interes ng mga korporasyon at mga dayuhan, pagpapatibay ng pangangalaga sa kalikasan, at mas pinalakas na pagtangkilik sa mga lokal na produktong agrikultural. Mahalaga na kasama ang bawat magsasaka at mangingisda sa pagkamit ng tunay na pag-unlad sa lipunan.
Mabuhay ang mga magsasaka at ang lakas ng kababaihan!