Homily: 40 days after, a vow to remember
17 Jul 2026
This was the homily delivered by Fr Roberto Yap SJ during the mass for the 40th-day memorial mass in honor of Divine Adili and Rene Baterbonia held at the Church of the Gesù on Friday, 17 July 2026. The Filipino translation follows.
[English]
On the 40th Day of Rene and Divine
Today we gather to remember Rene and Divine forty days after that tragic accident that robbed the world of the gift of their young lives.
It has been forty days.
In Scripture, forty days is not just a measure of time. It reminds us of our Lord fasting and temptation in the desert, the Israelites wandering in the wilderness, and Noah’s ark, with all its creatures, waiting for the flood to subside. For us gathered here, for the families and friends of Rene and Divine, it has been an aching time for grief and mourning, for bewilderment and questioning, of trying to cope with the devastating news of their sudden passing.
In our First Reading, the prophet Isaiah goes to King Hezekiah with heartbreaking news: there is no healing for his illness. He will die soon. How does the king respond? He turns his face to the wall and breaks down. He weeps helplessly and bitterly.
We know the feeling.
God’s response to Hezekiah is profoundly simple. He tells the weeping Hezekiah: I have heard your prayer. I have seen your tears.”
God’s words to the king are words we need to hear today. God hears our prayers. God sees our tears. He does not expect us to respond in any particular way: He does not request us to be brave or strong, or to find “closure”—something that means nothing to those who grieve. He only asks that we believe: that He hears our prayers and sees our tears.
In the first reading, God gives Hezekiah something else—a miraculous sign: He makes the shadow on the sundial turn back. God knows so many of us have wished for that: That He would turn back the dial, somehow miraculously turn back time. To return to a time before we heard the heartbreaking news, to see these two young men full of life and laughter…
But the dial did not turn back for us. We—their families and all of us in this community—had to endure the days that followed, days unfortunately made more complicated and more painful by the unfortunate digital firestorm that we have been subjected to.
In today’s Gospel from Matthew, Jesus and his disciples are walking through a field, and the disciples are so hungry they begin to pick some grain to eat. Immediately, the Pharisees surround them. They point fingers. They debate the rules. They turn a moment of basic human vulnerability into a loud, public trial.
We know that feeling too.
When hearts break, the world too often rushes in not to help or to heal, but to debate and to judge. And while all the finger-pointing and harsh judgments were hurtful, we have humbly opted to learn from this painful experience. As a university community, we reflect and pray over that experience in a spirit of humility and surrender.
But this afternoon, on the 40th day of Rene’s and Divine’s passing, we owe it to them and their families to strain ourselves and to pull the focus back to the only place where it truly belongs: the sacred, quiet space of shattered hearts grasping to remember the grace of these two young lives. Even after 40 days we are not moving on.
We continue to offer care for the grieving families of Rene and Divine, for our players and their families, and for the coaching staff.
On this fortieth day, we return to the altar to do the only thing we should do: to stand in the quiet presence of a God who sees our tears, who hears our prayers.
To the families and loved ones of Rene and Divine: we cannot turn back the sundial. We cannot turn back time. We regret that nothing we do can bring them back. But we make this promise. We will remember Rene and Divine not for the headlines, not for the online noise that followed their passing. We will remember them for the light they have brought to their teams, to their classrooms, and to you.
May God grant them eternal rest, and to us who continue to mourn them, may He continue to hear our prayers. May He continue to see our tears. Amen.
[Filipino]
Ika-40 Araw nina Rene at Divine
Nagkakatipon tayo ngayon para alalahanin sina Rene at Divine apatnapung araw makalipas ang malagim na trahedyang nagkait sa daigdig ng biyaya ng kanilang murang buhay.
Apatnapung araw na ang nakalipas.
Sa Banal na Kasulatan, ang apatnapung araw ay hindi basta lamang sukat ng panahon. Ipinaaalala nito sa atin ang pag-aayuno at pagharap sa tukso ng ating Panginoon sa ilang, ang paglilimayon ng mga Israelita sa disyerto, at ang arka ni Noah, lulan ang lahat ng mga nilikha, na naghihintay na humupa ang baha. Para sa atin na nagkakatipon ngayon, para sa mga pamilya at mga kaibigan nina Rene at Divine, ito ay napakapait na panahon ng pagluluksa at pighati, ng kalituhan at pagtatanong, at ng pagsisikap na batahin ang nakawiwindang na balita ng kanilang biglaang pagpanaw.
Sa ating Unang Pagbasa, nagtungo si Propeta Isaias kay Haring Hezekias nang may nakalulunos na balita: walang lunas sa kaniyang karamdaman. Nalalapit na ang kaniyang kamatayan. At paano tumugon ang hari? Humarap siya sa pader at humagulgol. Sa kawalang-magawa, puno ng pait na tumangis siya.
Batid natin ang ganitong pakiramdam.
Napakapayak ng tugon ng Diyos kay Hezekias. Sinabi Niya sa tumatangis na si Hezekias: “Narinig Ko ang panalangin mo. Nakita Ko ang iyong mga luha.”
Ang mga salita ng Diyos sa hari ay ang mga salitang kailangan nating marinig ngayon. Naririnig ng Diyos ang ating mga panalangin. Nakikita Niya ang ating mga luha. Hindi Niya inaasahang tumugon tayo sa anumang partikular na paraan: hindi Niya hinihiling na maging matapang tayo o maging malakas, o makahanap ng “closure”—isang bagay na walang kabuluhan sa mga nagluluksa.
Hinihiling lamang Niya na tayo ay sumampalataya: na naririnig Niya ang ating mga panalangin at nakikita Niya ang ating mga luha.
Sa Unang Pagbasa, binigyan ng Diyos si Hezekias ng isa pang bagay—isang mahimalang tanda: pinaurong Niya ang anino sa orasang-araw. Batid ng Diyos na marami sa atin ang nagnanais ng ganoon: na bumalik sana ang kamay ng orasan, na maghimala sana na manumbalik ang panahon. Na bumalik sa yugto bago natin narinig ang nakapanlulumong balita, at muling makita ang dalawang binatang ito na puno ng buhay at kagalakan…
Subalit hindi nanumbalik ang kamay ng orasan para sa atin. Tayo—ang kanilang mga pamilya at ang lahat sa atin sa komunidad na ito—ay kinailangang magtiis sa mga sumunod na araw, mga araw na sa kasawiang-palad ay naging mas masalimuot at mas masakit dahil sa unos ng social media na dumagsa sa atin.
Sa Ebanghelyo ni San Mateo ngayon, si Hesus at ang Kaniyang mga disipulo ay naglalakad sa isang bukirin, at sa matinding gutom ng mga disipulo ay sinimulan nilang mamitas ng mga butil ng trigo upang kainin. Mabilis silang pinalibutan ng mga Pariseo. Inakusahan sila. Pinagtalunan ang mga Kautusan. Ginawa nilang isang maingay na paglilitis sa harap ng publiko ang isang sandali ng karaniwang kahinaan ng tao.
Batid din natin ang pakiramdam na ito.
Kapag nadudurog ang puso, kadalasang nagmamadali ang mundo hindi upang tumulong o magpagaling, kundi upang makipagtalo at humusga. At bagaman nakasasakit ang lahat ng pagtuturuan at mararahas na paghatol, mapagpakumbaba nating piniling matuto mula sa masakit na karanasang ito. Bilang isang pamayanan ng pamantasan, pinagnilayan at ipinagdasal natin ang karanasang iyon sa diwa ng kababaang-loob at pagpaparaya.
Subalit ngayong hapon, sa ikaapat na pung araw ng pagpanaw nina Rene at Divine, utang natin sa kanila at sa kanilang mga pamilya na pilitin ang ating sarili at ibaling muli ang pansin sa natatanging lugar kung saan ito nararapat: sa banal at tahimik na puwang ng ating mga wasak na pusong nag-aapuhap na alalahanin ang biyaya ng dalawang murang buhay na ito. Kahit apatnapung araw na ang nakalipas, hindi natin ito basta na lamang pagdaraanan.
Patuloy nating kakalingain ang mga nagluluksang pamilya nina Rene at Divine, ang ating mga manlalaro at ang kanilang mga pamilya, pati na ang lupon ng mga tagapagsanay.
Sa ikaapat na pung araw na ito, bumabalik tayo sa dambana upang gawin ang natatanging bagay na nararapat nating gawin: ang tumindig sa tahimik na presensya ng Diyos na nakakakita ng ating mga luha, at nakaririnig sa ating mga panalangin.
Sa mga pamilya at minamahal nina Rene at Divine: hindi natin maibabalik ang kamay ng orasang-araw. Hindi natin maibabalik ang panahon. Ipinagdaramdam natin na walang anuman sa ating magagawa ang makapagbabalik sa kanila. Subalit ipinangangako natin ito: aalalahanin natin sina Rene at Divine hindi dahil sa mga headline, at hindi dahil sa ingay sa internet na bumuntot sa kanilang pagpanaw. Aalalahanin natin sila dahil sa liwanag na kanilang inihatid sa kanilang mga koponan, sa kanilang mga silid-aralan, at sa inyo.
Nawa’y pagkalooban sila ng Diyos ng kapayapaang walang hanggan, at sa atin na patuloy na tumatangis para sa kanila, nawa’y patuloy Niyang dinggin ang ating mga panalangin. Patuloy nawa Niyang makita ang ating mga luha. Amen.
More updates regarding the University's response to the 8 June 2026 tragedy at ateneo.edu/8-jun-2026.