[AGS] EDSA People Power Revolution
24 Feb 2025
Isang mahalagang regalo ang ibinigay sa atin ng EDSA People Power Revolution noong 1986. Nagsama-sama ang mga Pilipino sa isang mapayapang pakikipaglaban para sa nawala nilang karapatan at demokrasya.
Ngayong taon, gunitain natin ang EDSA sa temang “Sama-Samang Pagtataya, Simula ng Panibagong Pag-asa.” Huwag nating kalimutan ang mahahalagang aral ng EDSA People Power Revolution – ang pagkakaisa, paninindigan, at pananampalataya sa katotohanan. Nasa atin ang kapangyarihang alamin ang tama at ipaglaban ang totoo. Bilang mga Atenista, makiisa tayo sa pagkilos upang manatili ang pag-asa ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng maganda at mabuting bansang Pilipinas.
Tema mula sa Office of the Vice President for Mission Integration (OVPMI) at
Ateneo Martial Law Museum and Library (AMLML).
Inihanda ng Kagawaran ng Araling Panlipunan
Bulletin Board layout sa tulong ni Gng. Ruby Punay