[AGS] United Nations Day
14 Oct 2024
Tuwing ika-24 ng Oktubre, ipinagdiriwang natin ang United Nations Day upang alalahanin ang pagsasama-sama ng mga bansa sa buong mundo na nagtutulungan para sa kapayapaan, pag-unlad, at respeto para sa lahat ng tao.
Ang tema ng United Nations General Debate ngayong taon ay Leaving no one behind: Acting together for the advancement of peace, sustainable development, and human dignity for present and future generations. Ibig sabihin, walang sinuman ang dapat maiwan sa ating pagtutulungan para sa mas magandang kinabukasan.
Makiisa tayo sa United Nations upang sama-samang magkaroon ng isang mundo kung saan may lugar para sa lahat. Tulungan natin ang bawat isa, ngayon at para sa darating na mga henerasyon.
Happy United Nations Day!
Mula sa:
https://www.un.org/en/high-level-week-2024/#GAD
https://gadebate.un.org/en
Disenyo at lathala ay inihanda ng Kagawaran ng Araling Panlipunan