Skip to main content
Main Secondary Navigation
  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • Giving
  • News
  • Events
Main navigation
  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • Nahan: Pagninilay Alay kay San Jose

Nahan: Pagninilay Alay kay San Jose

22 Mar 2024

Noong nakaraang ika-19 ng Marso 2024, ipinagdiwang ng pamayang Ateneo de Manila Junior High School ang Dakilang Kapistahan ni San Jose. Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni Reberendo Padre Lloyd V Sabio SJ, kasama si Reberendo Diakono Erwin F Arandia SJ. Ang misang ito ay tinagurian ding “Social Involvement Mass,” kaya naman kasama sa pagdiriwang ang mga bisita mula sa CSIP partner communities. 

Ang misa ay nagsimula sa isang pagninilay patungkol sa buhay ni San Jose na pinamagatang “Nahan.” Isinulat ito ni G. Paulo Ven B. Paculan, mula sa Kagawaran ng Filipino, at binigkas at idinirehe naman ni G. Ronan B. Capinding, Katuwang na Punong Guro sa Paghubog. Isinabuhay ito nina G. Christian Mercader (bilang Jose) at  Bb. Les Belostrino (bilang Maria), na kapwa mula sa Kagawaran ng Musika. 

Sina Bb. Les Belostrino bilang Maria at G. Christian Mercader bilang Jose
Sina Bb. Les Belostrino bilang Maria at G. Christian Mercader bilang Jose

San Jose, butihing Ama ni Hesus, ipanalangin mo kami!

NAHAN

Paolo Ven B Paculan
(pambungad sa Misa ng Pista ni San Jose ng Ateneo-JHS 2024)

Nasaan ka, anak?
Buong akala ko’y sumama ka lang sa mga kapitbahay
at kamag-anak nating kasabay maglakbay.
Kamakailan kasi’y mas madalas mo na itong gawin.
Hindi ka na masyadong nakabuntot sa akin.
‘Yan tuloy di ko alam kung saan ka napadpad.
Pero huwag kang mag-alala, anak.
Hindi ako hihinto hangga’t di kita matagpuan.
Nariyan na kami ng Mama mo.

Bumibilis ang lakad ko pag naalala ko kung paanong
sanggol ka pa’y bumiyahe tayong pa-Ehipto
para takasan ang galit ni Herodes
na pumatay sa napakaraming inosente nating kababayan.
Kung paanong pagkamatay ng hari
saka tayo bumalik sa Galilea
at namuhay sa Nazareth nang tahimik...at tago.
Nakilala ka kaya ng mga humahabol sa atin?
Bilin ko pa naman sa’yo:
“Listo ka kapag naglalakbay tayo.”

Pasan pa kita sa balikat ko noon,
ng balikat kong basa ng luha noong iyakin ka pa
o ng laway kapag nakatulog ka na.
Kung maaari lang kitang pasanin hanggang ngayon.
Pero umaayaw ka na rin. Labindalawa ka na sabi mo. Malaki ka na.
Kung ganoon, bakit ka nawalay sa amin?
Napaano ka na kaya?
May nakakita raw sa’yo sabi ni Maria.
Sa may templo, pinaliligiran ng tao.
Bakit?

Napatakbo ako.
At pawis na pawis, halos nanginginig, natanaw kita sa wakas.
Malinis, saan ka natulog anak?
Payapa, kumain ka na ba?
Nagtatanong at sumasagot nang kakaiba, anak mag-ingat ka.
“Paano mo ito nagawa sa amin?” tanong ng nanay mong lumapit sa inyo.
Sabi mo: “Hindi n’yo po ba alam na dapat narito ako?”
Gusto kitang pagalitan. Sinagot mo ang nanay mo ng ganyan.
“Halika na!” utos niya. “Doon na tayo sa kung nasaan ka dapat. Sa bahay ng iyong ama.” Sabay tingin niya sa akin.
Pero sumagot ka uli: “Ngunit narito na po ako,” sabi mo. “Sa bahay ng aking Ama.”
Tama naman. Malinaw na sa akin iyan noon pa man.
Pero masakit pa rin palang pakinggan.
Kahit sa boses mong musika para sa iyong tatay-tatayan.

Sumama ka sa amin pauwi
at katabi kita buong biyaheng tahimik.
Pero alam ko, kailangan na kitang simulang bitawan.
Ituturo ko sa iyo lahat ng kaya kong ituro.
Ihahanda kita para sa misyong para sa iyo lang–hindi kita masasamahan.
Pero anak, alalahanin mo, ha: listo ka sa paglalakbay.
At kung sakaling kailanganin mo,
narito ang balikat kong naghihintay.

AM+DG

Sa pinakaharap mula sa kaliwa: Reberendo Diakono Erwin F Arandia SJ, Reberendo Padre Lloyd V. Sabio SJ (Tagapamuno ng Misa), Padre Alberto V Ampil SJ, Padre Mamert B Mañus SJ, at Padre Joaquin Jose Mari C Sumpaico III SJ, kasama ang mga miyembro ng Ateneo Liturgical Ministry (ALM)
Pinakaharap mula sa kaliwa: Reberendo Diakono Erwin F Arandia SJ, Reberendo Padre Lloyd V Sabio SJ (Tagapamuno ng Misa), Padre Alberto V Ampil SJ, Padre Mamert B Mañus SJ, at Padre Joaquin Jose Mari C Sumpaico III SJ, kasama ang mga miyembro ng Ateneo Liturgical Ministry (ALM)

 

Religion and Theology Mission, Identity, & Formation Junior High School
Share:

Recent News

Testing Updating of Medical Record

16 Jul 2025

One Big Flight of the tiniest wings: AIS installs 16th pollinator pocket in Ateneo at the Grade School Complex

15 Jul 2025

RGL Hub examines the intersection of health and politics in Brown Bag Session

15 Jul 2025

Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 (College OHS Memo)

15 Jul 2025

AIS bridges climate change education through interactive workshop

15 Jul 2025

Fire stove project of DS majors receives 2025 ASCEND Excellence Award

15 Jul 2025

From vision to reality: 10 new homes turned over in German Village, GK Kalikasan, Cabiao, Nueva Ecija

15 Jul 2025

AJHS chess wizards Fua and Co help Team PH shine at 23rd ASEAN+ Age Group Chess Championships

15 Jul 2025

Join the Ateneo Art Gallery for an ArtSpeak session with Baguio artists at Ili-likha Artists Wateringhole this 24 July

14 Jul 2025

Application for Credit for the College Board’s Advanced Placement (AP) or International Baccalaureate Diploma Programme (IB DP) for the First Semester of SY 2025-2026 (OUR Memo)

14 Jul 2025

You may also like these articles

AJHS faculty and staff in prayer and 'one-ing' with Mother Earth

02 Jul 2025

Returning to the source: a formator’s journey of healing in Cabangan

Ateneo de Manila Junior High School (AJHS) faculty and staff were invited to an overnight immersion at Alon and Araw Club in Cabangan, Zambales, on

Fr Flavie Villanueva SVD

24 Jun 2025

4Ps: Munting Handog Sa Pagtatapos

Narito ang homiliya ni Fr Flaviano "Flavie" Villanueva, SVD, sa Misa ng Pagtatapos para sa Klase ng 2025 (GBSEALD, SOH, JGSOM, SOSE, at RGLSOSS) na ginanap sa Blue Eagle Gym noong Biyernes, ika-20 ng Hunyo 2025.

SOH Logo against ateneo blue

05 Jun 2025

What's New, SOH? - May 2025 Edition

The Office of the Dean of the School of Humanities released today the May 2025 issue of its internal newsletter, What's New, SOH?, a copy

AGS JourKnights in the AJHS St Stanislaus Kostka Chapel

02 Jun 2025

My special "JourKnights" journey

I am Lance Ceralde, a Grade 6 student who has been an altar server at the Ateneo Grade School (AGS) Chapel of the Holy Guardian

Popemobile

20 May 2025

Filipino-made Popemobile used by Pope Francis on display at Bellarmine Field

A historic, Filipino-made Popemobile used by the late Pope Francis will be on display at Bellarmine Field of Ateneo de Manila University's Loyola Heights Campus

SOH Logo against ateneo blue

14 May 2025

What's New, SOH? - April 2025 Edition

Earlier this month, the Office of the Dean of the School of Humanities released the April 2025 issue of its internal newsletter, What's New, SOH

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001