[AGS] International Human Rights Day
12 Dec 2023
Isang mapayapang araw sa lahat!
Tuwing Disyembre 10 ay ipinagdiriwang ang International Human Rights Day. Ngayong 2023, ating gugunitain ang ika-75 anibersaryo ng deklarasyon ng mga karapatang pantao. Ang tema ngayong taon ay Freedom, Equality and Justice for All.
Sa kasalukuyan, ang mundo ay patuloy na humaharap sa mga hamon ng pandemya, karahasan, hindi pagkakapantay-pantay, diskriminasyon at iba pa. Tayo ay manindigan para sa karapatang pantao ng bawat isa upang matiyak ang ligtas at magandang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
Isang masiglang pagbati ng Araw ng Pagpapahayag ng mga Karapatang Pantao!