40 Days of Lent: Day 11
28 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 11
Names are important. They carry our identity. They may reflect where we come from. And they can give us some anchor. The process of naming can also be significant. To give a name is to make some connection. It is to offer or define a character both for the one being named and the one giving the name. And it is to allow a glimpse into history or even future paths that may be taken.
There are no rules or guidelines to names and to naming, even when it comes to our Origin. Names can be made very unique, they can be used to depict anything we desire or feel, they can reflect what is personal to us. So, what names do you have for God? How do you call Jesus? What do these tell you about your relationship with the Lord?
In this time of Lent when we are being invited to feel and recognize God’s presence more, perhaps we can begin by looking at this very fundamental aspect of our faith and journey: the name, and therefore feelings and beliefs, that we associate with the One who called and named us first. As we do this, may we also take the time to listen and relish how our Home has entitled us and regarded us: cherished, worthy, important, beloved.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-11 Araw
Mahalaga ang mga pangalan. Nasa mga ito ang ating pagkakakilanlan. Sinasalamin nito ang ating pinagmulan. At kaya nitong magkaloob ng pinag-uugatan. Mahalaga rin ang proseso ng pagpapangalan. Ang pagbibigay ng pangalan ay paglikha ng ugnayan. Maaari itong maghandog o tumukoy ng mga katangian sa pinapangalanan at sa nagpapangalan. At napapasulyapan nito ang kasaysayan at mga landas na maaaring tahakin sa kinabukasan.
Walang mga alituntunin o gabay ang mga pangalan at ang pagpapangalan, maging sa ating Pinagmulan. Maaaring gawing kakaiba ang mga pangalan, maaari itong gamitin upang ilarawan ang ating mga hangad o damdamin, at kaya nitong ipahiwatig ang mga saloobin ng sarili. Kung kaya, ano ang mga pangalan mo para sa DIyos? Paano mo tinatawag si Hesus? Ano ang ipinapakita ng mga ito tungkol sa ugnayan mo sa Panginoon?
Sa panahong ito ng Kuwaresma kung kailan inaanyayahan tayong higit na damhin at kilalanin ang presensya ng Diyos, marahil maaari tayong magsimula rito sa pangunahing aspekto ng ating pananampalataya at paglalakbay: ang pangalan, at sa gayon, mga damdamin at paniniwalang iniuugnay natin sa Kanya na unang tumawag at nagpangalan sa atin. Sa pagsasagawa nito, nawa ilaan din itong pagkakataon upang pakinggan at namnamin kung paano tayo tinutukoy at pinakikitunguhan ng ating Tahanan: bilang tinatangi, karapat-dapat, mahalaga, iniibig.