40 Days of Lent: Day 21
16 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 21
Challenges have always been a part of life. Even as life is meant to be joyful, it never lacks difficulties. And together with moments when we are at peace and happy, there come times when we may be disturbed from our serenity. There is even a belief that what does not kill you makes you stronger.
Jesus was sent by the Father not to make life easy but to make us empowered to survive whatever it throws us. The meaning of Christ’s deep love that he even died for us is that no matter what difficulties we face, even the challenge of sin, he will never turn his back on us. And we can make the gift of a savior, no less than the son of God, matter by not allowing ourself to be beaten in any struggle, getting up and continuing to fight because we have an ally who fights for us and with us.
What challenges are you facing these days? What difficulties do you need to overcome? What are those that disturb your peace? You may name them so you can better face them. And as you make the resolve to push forward and win over what may be in your way, lean on the Lord as well. For the greatest strength we can get is from him who knew the most painful challenges, difficulties and disturbances. Yet still triumphed and came back to life through love.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-21 Araw
Bahagi na ng buhay ang mga hamon. Bagaman itinakdang mapuspos ang buhay ng galak, hindi ito nawawalan ng mga pagsubok. At kaakibat ng mapayapa at masayang mga pagkakataon, minsan nagugulantang tayo mula sa ating katiwasayan. May kasabihan pa nga na kung ano ang hindi makagagapi sa iyo ang siyang ikapagpapatibay mo.
Ipinadala ng Ama si Hesus hindi upang padaliin ang buhay kung hindi upang palakasin tayo at malampasan kung ano man ang ipukol sa atin. Ang kahulugan ng lubos na pagmamahal ni Kristo na namatay siya para sa atin ay kahit ano pa mang paghihirap ang susuungin, maging ang tukso ng pagkakasala, hindi niya tayo kailanman tatalikuran. At maaari nating bigyang-halaga ang kaloob na biyaya ng tagapagligtas, na walang iba kundi ang anak mismo ng Diyos, sa pamamagitan ng hindi pagsuko sa mga pagsubok, pagbangon at pagsisikap na lumaban sapagkat mayroon tayong kakampi na nakikipaglaban para sa atin at kasama natin.
Anong mga hamon ang kinakaharap mo ngayon? Anong mga pagsubok ang kinakailangan mong lampasan? Ano ang mga nakagagambala sa iyong kapanatagan? Tukuyin ang mga ito upang higit na mainam na harapin. At sa pagpapatibay mo ng pasya na malampasan at magwagi sa anumang balakid sa landas, sumandig din sa Panginoon. Sapagkat ang pinakadakilang lakas na makukuha natin ay iyong mula sa kanya na nakabatid ng pinakamasasakit na hamon, pagsubok at sindak. Subalit nagtagumpay pa rin at muling nabuhay sa pamamagitan ng pag-ibig.