40 Days of Lent: Day 23
14 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 23
Perhaps some of us are not as comfortable with being angry as we are with other emotions that we feel. Indeed, anger can be something to be wary of for it can result in negative effects. It can cause unhealthy thoughts. It can unleash violent actions. It can destroy relationships. It can change a person we know to someone who can seem so different.
While the scriptures may not have described it clearly as such, Jesus was not spared from feeling anger. Perhaps one incident in which we witness this was when he overturned the tables at the temple upon seeing it made into a money-making venture, even driving people out. Here, we clearly realize what caused him to be very angry: the obvious disrespect for his Father’s house, the incorrect practices in what should have been a holy place, and the fact that some were taking advantage of believers by making profit from them. And for these reasons, Jesus was not wrong in being angry. If he had not shown how he felt, others would not have realized what they were doing.
Anger as an emotion can be a compass to see where we are, what we value and what we can do. While it can lead to harmful actions, we can always make better choices once we feel it. In fact, being angry in the right way can be the starting point to clarify to our self and other people what is important, to pave the way for making things better, and to effect radical change. Looking at the realities of our present time and your current situation, what causes you to be angry? And what can you do for the good coming from this anger? As we go deep into this feeling, we beg for the Father’s guidance so we may properly navigate this human emotion. We ask for Jesus’ courage so we can take rightful steps. And we hope for the Spirit’s gentleness that we may remain kind even as we experience anger.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-23 Araw
Marahil may ilan sa atin na higit na ilang na magalit kaysa sa ano pa mang damdamin. Mahalagang ingatan ang pagkilos sa tuwing galit sapagkat maraming masamang maaaring idulot ito. Maaaring mauwi ito sa silakbo, paghuhuramentado, at mga panibugho. Kaya nitong baguhin ang isang kakilala na tila magkakaroon ng ibang pagkatao.
Bagaman hindi ito tinukoy nang tuwid sa Banal na Kasulatan, may ilang saglit din na nagpakita ng galit si Hesus. Matutunghayan ito noong itinaob niya ang mga paninda at itinaboy ang mga tao nang nang makitang gaya na sa isang palengke ang templo. Dito, batid natin ang mga dahilan ng kanyang galit: ang kawalan ng paggalang sa bahay ng Kanyang ama, ang tiwaling gawain sa isang banal na lugar, at ang mga panlalamang sa mga nananampalataya upang magkaroon ng kita at tubo. Kaya masasabing may katwiran ang kanyang galit. Kung hindi siya nagalit, maaaring hindi natanto ang katiwalian.
Maaaring maging gabay ang galit upang makita kung nasaan tayo, ano ang pinahahalagahan at paano ang nararapat na pagkilos. Bagaman maaaring magdulot ng sakit o pinsala, laging maaaring magsagawa ng ibang pagpili habang dinadama ito. Sa katunayan, ang makatwirang galit ay maaaring magpalinaw sa sarili at kapwa kung ano ang mahalaga, magbukas ng daang tatahakin tungo sa mas mainam, at magdulot ng radikal na pagbabago. Sa mga realidad natin ngayon at sa iyong kasalukuyang kalagayan, ano ang mga nagbubunsod sa iyo upang makadama ng galit? Ano ang maaari mong isagawa na makapagdudulot ng mabuti mula sa nadaramang ito? Sa paggalugad sa damdaming ito, hinihiling natin ang gabay ng Ama. Inaasam natin ang katatagan ng loob ni Hesus tungo sa tamang hakbang. At ninanais natin ang pagkabanayad ng Espiritu Santo upang manatili tayong matiwasay kahit pa nakararanas ng pagkagalit.