40 Days of Lent: Day 25
11 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 25
It has been said many times, in different ways, by several persons that everything in this life is gift. And it is, indeed, true. In fact, we would not be where we are at present if not for what we have been given: care from family, help from friends, support from colleagues, wise words from others. Even our very existence was not ours in the beginning but breathed unto us. At the same time, we are granted time which in turn provides opportunities, second chances, and new hope. This Lent can be a deeper realization of one important gift we have received: that of Christ’s self and salvation.
There can be much joy, peace and humility in realizing that we are at the mercy of what we are given. At the same time, there can be such deep empowerment and strength in embracing the truth that we receive abundantly. And because we have been given, we can also give. Because we have been cared for, we can also manifest care. Because we have been loved, we can also love.
This season, together with accepting what Jesus offered through his passion, we ought to allow ourself to be moved to be givers, too. And so today, can you take one more step towards giving meaningfully? Can you share twenty-five pesos to a person, a group or a cause that needs your encouragement, support and help? It is never about the amount but about the humility of being gifted and the empowerment to share because of this. As Jesus’ journey unfolds to us once more and we see what he gave so we could live more fully, we can believe that we have been held dear enough to be given. And so, we are blessed enough to give and contribute to making this world, our communities, and one another become better in our own great ways.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-25 Araw
Nasabi na nang maraming beses, sa iba-ibang paraan, ng ilang tao na ang lahat sa buhay ay biyaya. At tunay nga ito. Isang katotohanan na wala tayo sa kasalukuyan kung hindi dahil sa mga ipinagkaloob sa atin: aruga mula sa pamilya, tulong mula sa mga kaibigan, suporta mula sa mga kasama, makabuluhang mga salita mula sa kapwa. Maging ang mismo nating pag-iral ay ihininga sa atin. Kaakibat nito, ginagawaran tayo ng panahon na siya namang nagdudulot ng mga oportunidad, pangalawang pagkakataon, at bagong pag-asa. At maaaring mas malalim na matanto ngayong Kuwaresma ang kaloob na sarili at kaligtasan ni Kristo.
May kakaibang kaligayahan, kapayapaan at kababaang-loob ang pagkatanto na umaasa tayo sa mga kaloob sa atin. Kasabay nito, maaari ring magdulot ng napakalalim na kapangyarihan at lakas ang pagyakap sa katotohanang masagana tayong nakatatanggap. Sapagkat pinagkakalooban tayo, kung kaya makapagkakaloob din tayo. Sapagkat inaaruga tayo, kung kaya makapag-aaruga rin tayo. Sapagkat iniibig tayo, kung kaya maka-iibig din tayo.
Sa panahong ito, kasama ng pagtanggap sa handog ni Hesus sa pamamagitan ng kanyang pagdurusa, nawa tulutan din natin ang sarili na maudyok na magkaloob. Kung kaya ngayong araw, maaari ka bang magsagawa ng isa pang hakbang tungo sa makabuluhang pagkakaloob? Maaari ka bang magbahagi ng dalawampu’t limang piso sa isang tao, pangkat o layunin na nangangailangan ng iyong panghihikayat, suporta at tulong? Hindi ito tungkol sa halaga subalit tungkol sa kababaang-loob sa pagkabiyaya at kalakasang makapagbahagi dahil dito. Samantalang nalalahad muli sa atin ang paglalakbay ni Hesus at nakikita natin ang kanyang ipinagkaloob upang magkaroon tayo ng buhay na mas lubos, maaari tayong maniwala na sapat tayong tinatangi kung kaya pinagkalooban tayo. At sa gayon ay sapat tayong biniyayaan upang magkaloob at mag-ambag sa pagpapabuti nitong mundo, ng ating mga komunidad, ng bawat isa sa mga dakila nating pamamaraan.