40 Days of Lent: Day 33
02 Mar 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 33
We know for a fact that we evolve as persons. The things we liked before may not be so attractive when we become older. What we know about life and the world also grows. Maybe even how we relate, connect and interact with others, including God, can shift as well. That’s why every now and then, it may be valuable to take stock of who and what we are. After all, how we can be in future begins and is anchored on who we are today.
Some scholars say that Jesus was about thirty-three years old when he died. While that is still being further studied, we know that by the time he began his public ministry, he already had a very good grasp of who he was, what he needed to do as a mission, and in whom he put his trust. Surely, Christ could not have ministered as meaningfully as he did and he could not have endured what he went through if he were not clear on the who, the what and the why of his personhood and his life.
At the time of his ministry and death, even when others around him were questioning who he truly was, Christ was sure about himself, his God, and the reason for his actions. Today, what are you sure about yourself? Who are you? What are your traits, features, anchors, beliefs, realities? Why do you do the things you do? And if you will list down these truths about you at present, may you also take in that you are beloved even before you were born, now, and in all days to come.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-33 Araw
Batid natin ang katotohanan na nagbabago tayo bilang mga tao. Maaaring hindi na natin gaanong hilig pagtanda ang mga bagay na dating nakaakit sa atin. Lumalago rin ang pagkakakilanlan natin sa buhay at sa mundo. Maging ang paraan ng pakikipag-ugnay, pakikiisa at pakikisalamuha sa kapwa, pati sa Diyos, ay maaaring mag-iba. Kung kaya paminsan-minsan, marahil mahalaga na suriin kung sino at ano tayo. Dahil kung paano man tayo sa kinabukasan ay nagsisimula at nakaugat sa kung sino tayo ngayon.
Sinasabi ng ilang dalubhasa na tatlumpu’t tatlong gulang si Hesus nang pumanaw. Samantalang patuloy na inaaral iyon, alam natin na may malalim na pagkilala na siya ng kanyang pagkatao, ano ang kailangan niyang gawin bilang misyon, at sino ang pinagkakatiwalaan niya nang magsimula siya ng bokasyon. Tiyak na hindi naging makabuluhan ang kanyang paglilingkod at hindi niya natiis ang kanyang pinagdaanan kung hindi malinaw sa kanya ang sino, ano at bakit ng kanyang pagkatao at buhay.
Sa panahon ng kanyang ministeryo at kamatayan, bagaman patuloy na pinagdududahan ng mga nasa paligid niya kung sino siya, nakatitiyak si Kristo sa kanyang sarili, sa kanyang Diyos, sa dahilan ng kanyang mga kilos. Ngayong araw, ano ang mga tiyak mo tungkol sa iyong sarili? Sino ka? Ano ang iyong mga kaugalian, katangian, pinag-uugatan, pinaniniwalaan, realidad? Bakit mo ginagawa ang mga ginagawa mo? At kung itatala mo ang lahat ng katotohanan tungkol sa iyong sarili sa kasalukuyan, nawa isaloob mo rin na iniibig ka bago ka pa isinilang, ngayon, at sa lahat ng parating na araw.