40 Days of Lent: Day 36
27 Feb 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 36
As we begin a new week, is there a sense of hope in how the coming days will unfold? Can we feel excited because we do not know what will be? Can we latch on to possibilities, potentials and opportunities? Most importantly, because of what Jesus did for us which this season of Lent reminds us, can we believe that there is salvation, greater freedom and unparalleled love meant for us in what lies ahead?
Even as news of economic challenges continue, we can trust in the Father’s providence because he did, indeed, provide us the greatest gift through His son. Despite the uncertainties present due to the impermanence of this world, we can choose to be steadfast in our faith. And no matter how tiring our struggles may be, there can never be a lack of hope for our life is always filled with chances to turn things around. We should never skip over what is painful, what is negative and what is dire. But we can also turn our attention to the truth of God’s grace.
Being in this world is never without its hurts and hitches. But we are also never without reasons to be grateful. And so, what would be thirty-six items on your gratitude list? Can you allow yourself to acknowledge such causes for beauty and light? At the end of all that you will write down, may you find yourself grateful as well for we have been saved when Christ made his sacrifice. Our Lord never asked for a “Thank you” but nonetheless lived and fulfilled his “I love you” to us.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-36 Araw
Sa pagsisimula natin ng bagong linggo, mayroon bang diwa ng pag-asa sa mga malalahad ng mga darating na araw? Nasasabik ba tayo sapagkat di natin batid kung ano ang mangyayari? Kaya ba nating kumapit sa mga posibilidad, sa mga maaari, sa mga pagkakataon? Higit sa lahat, dahil sa ginawa ni Hesus para sa atin na ipinapaalala nitong panahon ng Kuwaresma, naniniwala ba tayo na may kaligtasan, may mas dakilang kalayaan, at may walang-katumbas na pag-ibig na nakalaan sa atin sa mga paparating?
Sa kabila ng patuloy na mga balita tungkol sa mga hamong pang-ekonomiko, maaari tayong magtiwala sa pagkakaloob ng Ama sapagkat tunay ngang ipinagkaloob Niya sa atin ang pinakamabuting biyaya sa pamamagitan ng Kanyang anak. Kahit pa may mga di-katiyakan dulot ng kawalan ng katatagan nitong mundo, maaari nating piliin na maging matibay sa ating pananampalataya. At bagaman nakahahapo na ang ating mga pakikipagbuno, hindi kailanman mawawalan ng pag-asa sapagkat ang buhay ay lagi at laging puno ng mga pagkakataon para sa pagpapanibago. Hindi natin nararapat na itanggi kung ano ang masakit, negatibo at mapait. Subalit maaari rin nating ibaling ang ating pansin sa katotohanan ng grasya ng Diyos.
Hindi mawawalan ang mundong ito ng mga pagkakasugat at paghihirap. Ngunit hindi rin tayo kailanman nauubusan ng mga dahilan upang makapagpasalamat. Kung kaya, ano ang tatlumpu’t anim na bagay na nasa talaan mo ng pagpapasalamat? Maaari mo bang tulutan ang sarili na kilalanin itong mga sanhi ng kariktan at liwanag? At sa dulo ng iyong mga isusulat, nawa mahanap mo na ikaw ay nagpapasalamat din sa pagliligtas na idinulot ng sakripisyo ni Kristo. Hindi kailanman humingi ang ating Panginoon ng “Salamat” subalit isinakatuparan at isinabuhay niya nang lubos ang “Iniibig kita” para sa atin.