40 Days of Lent: Day 37
25 Feb 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 37
While we can never fully comprehend God’s heart, one thing that is clear looking at the many beautiful things and the continuing time we are given is that we are His beloved. Even as we cannot assume how the Lord will manifest His blessings, we can believe that we are always well-provided for as how we have been in our human history. And despite the fact that we do not totally know what our Creator has in store for us in heaven, we are assured that a fuller life here in the world is what He desires for us.
That is what is Lent is about: the Father wants so much more for us than to be overcome with sin. Jesus went through his passion and death so we could be more free. And the Spirit continues to dwell with us so we are never left alone and never without grace. It is undeniable: our loving Source wants what is good for us, what is better than we can imagine, what is best for us here and for eternity.
Keeping in mind what God desires for us and knowing in our heart that the Lord is continuously working to make it happen, what is it that you want? Can you identify thirty-seven things that you long and hope for? Perhaps for yourself? For loved ones? For communities you belong to? For the country and the world? And as you look into your yearnings, you may beg for the grace to accept more deeply how you are empowered to contribute to making wonderful things come true. After all, Jesus’ offer of salvation has given us the right to keep on dreaming and to pursue our dreams.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-37 Araw
Bagaman hindi natin lubusang mauunawaan ang kalooban ng Diyos, malinaw na iniibig Niya tayo kung magmamasid sa maririkit na bagay at sa pagpapatuloy ng panahon na ipinagkakaloob sa atin. Kahit di natin mahihinuha kung paano tayo bibiyaan ng Panginoon, maaari tayong maniwala na lagi tayong pinagkakalooban sa parehong paraan na naganap ito sa ating kasaysayan. At sa kabila ng katotohanan na hindi natin nababatid nang buo kung ano ang inihahanda sa langit ng ating Tagapaglikha, nakatitiyak tayo na isang ganap na buhay sa mundong ito ang ninanais Niya para sa atin.
Ito ang diwa ng Kuwaresma: naghahangad ang Ama ng higit para sa atin kaysa sa pagkakalugmok sa kasalanan. PInagdaanan ni Hesus ang kanyang pagdurusa at kamatayan para lalo tayong maging malaya. At patuloy na umiiral ang Espiritu sa ating piling upang hindi tayo mag-isa at malayo sa grasya. Hindi ito maitatanggi: minimithi ng ating Bukal ang tama para sa atin, ang mas mainam sa ating hiraya, ang pinakamabuti para sa atin ngayon at panghabambuhay.
Samantalang isinasaalang-alang ang mga nasa ng Diyos para sa atin at isinasapuso ang kaalaman na patuloy na nagpupunyagi ang Panginoon para mapangyari ang mga ito, ano ang iyong mga mithi? Maaari ka bang tumukoy ng tatlumpu’t pitong bagay na ninanais at inaasam mo? Marahil para sa sarili? Para sa iyong mga iniibig? Para sa mga komunidad na kinabibilangan mo? Para sa bayan at para sa mundo? At sa pagtuon mo sa iyong mga hangarin, maaari ring hingiin ang biyaya na tanggapin nang mas malalim kung gaano ka kalakas na makakapag-ambag ka sa pagsasakatuparan ng mga kamangha-manghang bagay. Dahil ang katotohanan ay binigyan tayo ng karapatang mangarap at magpursigi ng handog na kaligtasan ni Hesus.