40 Days of Lent: Day 38
24 Feb 2023 | Office for Mission and Identity (OMI)
40 Days of Lent: Day 38
We can never go through life without other people. We love. We are loved. We get hurt. We cause hurt. We find joys. We face sorrows. All of these would be experiences that we undergo with, through and because of co-pilgrims. This world will not be this world, life will not be life, love will never be love if there is no one else that we encounter, give importance to and acknowledge in this journey.
In fact, even God would have a somewhat similar sense of others. While what is revealed to us that there is only one God in the three persona of the Father, Son and Spirit is a mystery we can never fully understand, we see the dynamic of the Lord not being alone. Jesus himself had his family, apostles, disciples, enemies, followers, friends and beloved. And we see in his passion how each and every one played a role in his narrative.
As we continue in this season of Lent, we can choose to be more mindful of persons on our path. Who are thirty-eight people you would like to pray for? Perhaps those very dear to you? People who may have caused you tears? Those with whom you disagree? Those you admire? Those who show you beauty? Those who challenge who you are? Recall and pray for each one. And as you do, may they be a reminder as well that Christ’s great heart embraced and suffered for all of us.
40 Araw ng Kuwaresma: Ika-38 Araw
Hindi tayo daraan sa buhay nang wala ang ibang tao. Nagmamahal tayo. Minamahal tayo. Nasasaktan tayo. Nakakasakit tayo. Nakakasumpong tayo ng galak. Nahaharap tayo sa pighati. Dumaranas tayo ng lahat ng ito kasama, sa pamamagitan at dahil sa mga tulad nating manlalakbay. Hindi itong mundo ang mundo, hindi itong buhay ang buhay, hindi kailanman pag-ibig ang pag-ibig kung wala tayong ibang nakakaharap, napahahalagahan at nakikilala rito sa paglalakbay.
Katunayan, maging ang Diyos ay may halos katulad na diwa ng kapwa. Bagaman isang misteryong di natin lubusang mauunawaan ang nailahad sa atin na may iisang Diyos sa tatlong persona ng Ama, Anak at Espiritu, nakikita natin ang pag-iral ng isang Panginoong hindi nag-iisa. Si Hesus mismo ay mayroong mga pamilya, alagad, disipulo, kaaway, tagasunod, kaibigan at iniibig. At nakikita natin sa kanyang pagdurusa kung paanong may ginampanang papel ang bawat isa sa mga ito sa kanyang salaysay.
Sa pagpapatuloy natin sa panahon ng Kuwaresma, maaari nating piliing maging mas malay sa mga tao sa ating landas. Sino ang tatlumpu’t walong taong nais mong ipanalangin? Marahil iyong mga malalapit sa puso mo? Iyong nagdulot sa iyo ng mga luha? Iyong mga hindi mo sinasang-ayunan? Iyong mga hinahangaan mo? Iyong nagpapakita sa iyo ng kariktan? Iyong mga nakahahamon sa kung sino ka? Alalahanin at ipanalangin ang bawat isa. At samantalang ginagawa mo ito, nawa magsilbi rin itong paalala ng dakilang puso ni Kristo na yumakap at nagdusa para sa ating lahat.