Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
12 Dec 2022 | Ateneo Grade School
Para sa pamilyang Pilipino, ang pagdiriwang ng kapaskuhan ay palaging puno ng saya, pagmamahal, at pag-asa. Sa ating pagbangon mula sa pandemya, buong puso tayong magpasalamat sa lahat ng biyaya na ating natamo at sa pagkakataong makapagbahagi sa ating mga kapatid na higit na nangangailangan.
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!
Sama-sama nating salubungin ang kapaskuhan ng may ngiti sa labi, may pagmamahal sa puso, at may liwanag ng pag-asa sa bawat tahanan.
Isinulat ni Gng. Pamela S. Albania.
Disenyo ni Gng. Ruby N. Punay.