Lenten Reflection: H'ear't
05 Apr 2025 | Office for Mission and Identity (OMI)
Nowadays, it can be very difficult to listen. With all the noise, differing opinions, various platforms to gather information and truth, it can be quite challenging to hear, pay attention and be mindful. This means, though, how necessary it is for us to do so. As the world is so complicated and unsteady, we have to harness that capacity even more.
Perhaps what is crucial is to listen with and to our heart. This means sifting through the many things before us, going deep into our innermost desires, and holding on to what’s truly important and lasting. It may not always be easy but our essence, our meaning and our joy depend on it. And it is possible for in fact, the word ‘heart’ has in its core the word ‘ear’, telling us that it is, indeed, intended for listening. Jesus Himself chose to listen to His very own heart, focusing on the Father’s love to find comfort there even as pain could have been too fearsome and never letting go of His love for us until the very last moment of His human life.
This is a world, this is a life, this is a journey that may be too difficult to bear or to fathom at times but we have been given the greatest compass to use. God speaks to us through the heart and our simplest yet noblest identity resides there. And so while we have been gifted with wonderful minds to analyze and ask or answer the hows or whats, as well as hands to work and fulfill the practical nuances of where and when, the heart gives us the most important reasons and moves us to the why of our existence. These days, how much are you listening to your truest self? How have you paid attention to your most authentic calling? What is the why in your heart?
Ngayong mga araw, napakahirap makinig. Sa lahat ng ingay, magkakaibang kuro-kuro, samu’t saring plataporma para kumalap ng kaalaman at katotohanan, mapanghamon ang makarinig, magbigay-pansin at maging malay. Ngunit nangangahulugang higit ang pangangailangang gawin natin ito. Sapagkat masalimuot at marupok ang mundo, lalo nating dapat linangin itong kakayahan.
Marahil higit pang tawag ang makinig gamit ang at sa ating puso. Nangangahulugan ito ng pagsala sa maraming bagay sa ating harapan, pagtungo sa pinakamalalim nating hangad, at pagkapit sa tunay na mahalaga at pangmatagalan. Hindi ito laging madali subalit ang ating diwa, kabuluhan at galak ay nakasalalay rito. At maaari itong maisagawa sapagkat katunayan, ang salitang ‘heart’ ay nagtataglay ng ‘ear’ na tila ba nagsasabing layon nito ang mapakinggan. Maging si Hesus ay piniling makinig sa Kanyang puso nang tumuon Siya sa pag-ibig ng Ama upang makahanap ng kapanatagan doon kahit pa nag-uumapaw ang pangamba sa gitna ng pagdurusa at nang hindi Niya binitawan ang pagmamahal para sa atin hanggang sa huling sandali ng Kanyang buhay.
May mga panahong mahirap pasanin at maunawaan itong mundo, itong buhay, itong paglalakbay subalit binigyan tayo ng pinakamainam na gabay. Nangungusap ang Diyos sa pamamagitan ng ating puso at ang ating pinakapayak at pinakadakilang pagkakilanlan ay naroon. Pinagkalooban tayo ng kahanga-hangang isip upang sumuri at magtanong o sumagot ng mga paano o ano, ng mga kamay upang tuparin ang mga praktikal na pagsasaalang-alang ng saan at kailan, at nariyan ang biyaya ng puso upang matukoy ang pinakamahalagang mga dahilan at itulot ang bakit ng ating pag-iral. Ngayong mga araw, paano ka nakikinig sa iyong pinakatunay na sarili? Binibigyang-pansin mo ba ang iyong pinakabusilak na tawag? Ano ang bakit sa iyong puso?
#ateneoishome #aihlentenreflections