Lenten Reflection: If Only
17 Mar 2025 | Office for Mission and Identity (OMI)
None of us would be immune from dreaming and hoping. In fact, it is our ability to imagine something different, something more or something beyond what we have which makes us survive and thrive, even in the most difficult situations. What makes it unhealthy is when we become stuck with what is not there more than we recognize what already is. If only I were rich, I would give to the poor. If only my parents raised me differently, then I would be better. If only I didn’t have to work, I could do what I really loved. That phrase ‘if only’ is a two-sided sword – it can spur us to courage or it can drown us in helplessness.
Our God might also be a God of if onlys. Watching us from heaven, perhaps the Father said, ‘If only I could let them know how much I love them’. As Jesus was encountering different people – from sinners to saints, from the wealthy in material things to the wealthy in spiritual resources, from the childlike to the childish – he might have thought, ‘If only there is a way I could save them’. And the Spirit, being with us still in our world, is probably telling Itself, ‘If only I could make them feel that I am here’. And so, the Father sent the Son, Jesus offered His life for us, and the Spirit continues to create miracles despite the hurdles we provide – if onlys that moved from fanciful dreaming to fully-lived hoping and doing.
As we start this week, what is your ‘if only’? What ‘if onlys’ do you have in your life that may deserve looking into for possibilities of fulfilment, even if not completely? What are the givens within your reach that may be the pathway to accomplishing the desire part of your ‘if only’? We are not as powerful as God but we are not lacking in power to take steps to claim or reclaim the kind of life, the kind of days, the kind of moments we long for. And where we are is the perfect starting point for even He worked with what’s already present – our woundedness and giftedness, the beautiful disaster that is the world, and the love He could not help Himself but have for us. We can dream and hope, we can make things happen, we can move with greater courage for we are emboldened by no less than He who is of unlimited ways, resources and caring.
Wala sa ating protektado mula sa pangarap at pag-asa. Katunayan, itong kakayahang maghiraya ng iba, ng higit, ng lampas pa sa kasalukuyang umiiral ang nagbubunga upang magpatuloy tayo at magtagumpay, maging sa pinaka-mapanghamong mga kalagayan. Hindi lamang ito nagiging mabuti kung naiipit tayo sa kung anong wala na lumalamang pa sa pagkilala natin sa kung anong naroon. Kung mayaman lang ako, magkakaloob ako sa mga mahihirap. Kung pinalaki lang ako ng aking magulang sa ibang paraan, mas matino sana ako. Kung hindi ko lang kailangang magtrabaho, magagawa ko iyong tunay na nais ko. Itong mga salitang ‘kung…lang’ ay isang sandatang may dalawang panig – maaari tayong mabunsod nito sa lakas ng loob o maaari tayong lunurin sa kawalang-kakayahan.
Marahil ang ating Diyos ay isang Diyos ng mga kung-lang. Sa pagtanaw sa atin mula sa langit, maaaring winika ng Ama na ‘Kung maipababatid ko lang sa kanila kung gaano ko sila kamahal’. Sa pakikipagtagpo ni Hesus sa iba-ibang tao – mula sa banal hanggang sa makasalanan, mula sa may yamang-materyal hanggang sa may yamang-espiritwal, mula sa mga mababaang-loob gaya ng isang paslit hanggang sa mga nagmamaktol na tila isang bata – maaaring inisip Niya, ‘Kung may paraan lang para iligtas ko sila’. At ang Espiritu, na kapiling pa rin natin dito sa ating mundo, ay maaaring nagsasabi sa sarili na ‘Kung maipadarama ko lang sa kanila na narito ako’. Kung kaya, ipinadala ng Ama ang Anak, inialay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa atin, at patuloy na lumilikha ng mga himala ang Espiritu sa kabila ng mga balakid na ating idinudulot – mga kung-lang na kumilos mula sa magarbong pagpapantasya tungo sa isang pag-asa at pagkilos na lubusang tinupad.
Sa pagsisimula natin nitong linggo, ano ang iyong ‘kung…lang’? Anong mga ‘kung…lang’ sa iyong buhay ang nararapat na tingnan para sa posibilidad ng pagsasakatuparan, kahit pa hindi ganap? Ano ang mga abot-kamay sa kasalukuyan na maaaring maging daan para matupad ang bahaging naghahangad ng iyong ‘kung…lang’? Wala tayong kapangyarihan katulad ng sa Diyos subalit hindi tayo nagkukulang sa kapangyarihan upang angkinin o angkining muli ang uri ng buhay, uri ng mga araw, at uri ng mga sandaling nais natin. At pinakamagandang pagsisimula ang nasaan tayo ngayon sapagkat maging Siya ay kumilos mula sa kung ano na ang mayroon – ang ating pagkakasugat at pagkabasbas, ang kaguluhang may karilagan nitong mundo, at ang Kanyang pag-ibig para sa atin na hindi Niya mapigilan. Maaari tayong mangarap at magkaroon ng pag-asa, maaari nating kilusan ang mga bagay-bagay, maaari tayong umusad nang may higit pang lakas ng loob sapagkat pinatatapang tayo Niyang walang hangganan ang mga paraan, ang pinagkukunan at ang pagmamahal.
#ateneoishome #aihlentenreflections