Lenten Reflection: The Names We Are Called
10 Mar 2025 | Office for Mission and Identity (OMI)
For some of us, we are called by different names for different times of our life, different groups of people who know us, or different places we have been. We can be ‘Totoy’ at home that signifies being the youngest in the family regardless of what we’ve accomplished, ‘RBB’ in our place of work where bosses are often identified by their initials, ‘Berth’ to high school classmates, and simply ‘R’ to those closest to us. The history and meaning of such varying names can be entertaining if we consider that after all, each would pertain to one and the same person, with a multitude of experiences and encounters.
God has also referred to us using different names. In the Bible, we can read that we have been pertained to as ‘children’, ‘heirs’, ‘chosen’, ‘friend’, ‘blameless’ among many words He has called us. And in our own personal spaces, if we allow ourself moments of deep communion with Him, we may also hear who we are to Him in a personal and intimate way. Underlying all these is one name, one distinction, one honor that we have been bestowed by the Lord: His beloved.
The truth is that no matter who we are to people and to this world, whatever we may have done or not done, regardless of how we may see or call God, we remain unchanged to Him. Our belovedness in the Lord’s eyes does not depend on us, but instead reflects solely His heart and His choice to keep loving us. We can then ask: if I am able to turn my head when someone calls me by any of my names, do I also acknowledge it when God whispers that I am His beloved? What more, what else, what is it that I need to allow myself to be fully His own? What does Christ’s sacrifice on the cross mean to me, who I am and who I want to be?
Para sa ilan sa atin, tinatawag tayo sa iba-ibang pangalan para sa iba-ibang bahagi ng ating buhay, iba-ibang pangkat ng taong nakakilala sa atin, o iba-ibang lugar na ating napuntahan. Maaaring ‘Totoy’ tayo sa bahay na sumasalamin sa pagiging bunso ano pa man ang naisakatuparan na natin sa buhay, ‘RBB’ sa trabaho kung saan tinatawag ang mga pinuno sa titik ng kanilang pangalan, ‘Berth’ sa mga kamag-aral sa high school, at simpleng ‘R’ sa mga pinakamalapit sa atin. Nakakaaliw ang kasaysayan at kahulugan niyang iba-ibang pangalan lalo pa’t tumutukoy lamang ang mga ito sa iisang tao, na may samu’t saring mga karanasan at ugnayan.
Tinukoy rin tayo ng Diyos sa iba-ibang pangalan. Sa Bibliya, mababasa nating tinawag tayong mga ‘anak’, ‘tagapagmana’, ‘pinili’, ‘kaibigan’, ‘walang bahid’ kabilang ng iba pang mga salitang ibinansag Niya sa atin. At sa kanya-kanya nating puwang, kung hahayaan ang sarili na magkaroon ng mga pagkakataon ng malalim na pakikipagtagpo sa Kanya, maaari rin nating marinig kung sino tayo sa Kanya sa isang personal at natatanging paraan. Sa kailaliman ng lahat ng ito, may isang pangalan, pagkilala at pagpaparangal na iginawad sa atin ang Panginoon: Kanyang iniibig.
Ang katotohanan ay kahit sino pa tayo sa kapwa at sa mundo, anuman ang ating ginawa o hindi ginawa, paano man nating tingnan o tukuyin ang Diyos, nananatili ang pagkakakilanlan Niya sa atin. Ang pagka-iniibig natin sa mata ng Panginoon ay hindi nakasalalay sa atin, sa halip sinasalamin nito ang Kanyang puso at ang Kanyang pagpili na patuloy tayong mahalin. Maaari nating tanungin ngayon: kung lumilingon ako kapag tinatawag sa anumang pangalan sa akin ng iba-ibang tao, bumabaling din ba ako kapag binubulong ng Diyos na iniibig Niya ako? Anong higit, anong iba pa, ano iyong kailangan ko upang hayaan ang sarili na maging lubusang kaisa Niya? Ano ang kahulugan ng pagdurusa ni Kristo sa krus sa akin, sa kung sino ako at sa kung anong pagkatao ang nais ko?
#ateneoishome #aihlentenreflections