[Now Available] Wansapanalawin: Mga Kuwentong Pambanta
04 Feb 2025 | James Caponpon
Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Wala sa likod, wala sa harap
Pagbilang kong sampu….
nasa website na kayo!
Maliwanag man ang buwan, maraming kuwento ng marhinalisado ang lubha pa ring binabalot ng karimlan. Sa gitna ng mga paslit na walang muwang ay ang isang sistemang mapaglaro, kung saan gaya ng mga batang nagtataguan, ay may mga kuwentong nananatiling nakatago.
Samahan niyo kaming galugarin ang paligid, at tuklasin ang mga kuwentong hatid ng Wansapanalawin: Mga Kuwentong Pambanta — ang opisyal na zine issue ng Matanglawin Ateneo sa Taong Pampanuruan 2024-2025!
Naniniwala kaming walang bata o matanda sa harap ng hamon ng lipunan, kaya narito ang Wansapanalawin na hitik sa mga salaysay ng masalimuot na karanasan ng bayan na halaw sa mgakuwentong pambata na tiyak minsan ninyong kinagiliwan!
Ano pang hinihintay ninyo? Magkita-kita tayo sa aming opisyal na website:
https://www.matanglawin-ateneo.com/wansapanalawin/home
Hanapin ninyo kami…