Nine Questions for Christmas – Ninth One
21 Dec 2024
Can we allow ourself to hope and dream?
Have we experienced what being cherished means?
Racing through life, can there still be more?
Is it possible that something better is in store?
Spirits searching and yearning ask: do we have a home?
Through the changes, is there solace in the unknown?
Might our woundedness become joys and blessings?
Are we welcome in heaven and its rejoicing?
Shall we entrust our fate to the hands of God?
Yes.
For His coming reveals and reiterates a truth: we are always, ever and truly loved.
A joyful holiday season and a grace-filled 2025 to all!
Nararapat ba nating tulutan ang sarili na umasa at mangarap?
Naranasan na ba natin ang tunay na pagtatangi?
Mayroon pa bang iba at higit sa pagmamadali sa buhay?
Maaari kayang may mas mabuti pa?
Nagtatanong ang mga kaloobang naghahanap at naghahangad: mayroon ba tayong tahanan?
Sa mga pagbabagong nararanasan, may kapanatagan ba sa di natin mapanghawakan?
Maaari bang magdulot ng galak at biyaya ang ating mga sugat?
Tanggap ba tayo sa pagdiriwang ng kalangitan?
Ipagkakatiwala ba natin ang ating kapalaran sa kamay ng Maykapal?
Oo.
Sapagkat ibinunyag at muling ipinabatid ng Kanyang pagdating itong katotohanan: tayo ay lagi, kailanman at tunay Niyang minamahal.
Isang Paskong puno ng galak at isang bagong taon na umaapaw sa grasya para sa lahat!
#aihninequestionsforchristmas #ateneoishome