Nine Questions for Christmas – Fifth One
17 Dec 2024
Spirits searching and yearning ask: do we have a home?
Everyone has a need to belong. No one would say no to solace and security. And all of us yearn for a sense of home. In fact, many of us design and arrange our houses not just to make it relaxing but also to give it a feel of being homey. We relish moments when we can just be, knowing we are accepted and safe. And these days, we may attend get-togethers and reunions to relive or realize connection, companionship, coming home.
When Jesus was born, he left the home of His Father, so to speak, to be with us. And it was not for any other reason but to let us know that we belong with God. That we can find solace and security in Him. That even as this world may shake or confuse us, we can be certain that we have a home in His heart and in His plans.
Home. At the end of each day, in the midst of challenging situations, and when times are good, what gives us consolation and what completes our happiness is going home. In this time of celebrations and festivities, a good Christmas wish for one another is that we may always have a home to come to, to go back to. And it would not be a futile wish for in an unfathomable yet definite way, God has already fulfilled this when He sent His Son in our midst.
Nagtatanong ang mga kaloobang naghahanap at naghahangad: mayroon ba tayong tahanan?
Bawat isa sa atin ay may pangangailangang maging bahagi ng samahan. Walang tatanggi sa kapanatagan at katiyakan. At lahat tayo ay nag-aasam sa diwa ng tahanan. Katunayan, marami sa atin ang nagdi-disenyo at nagsasaayos ng ating mga bahay hindi lamang para makapagbigay ito ng pisikal na ginhawa kung hindi para rin makapagpadama na may uuwian ang kalooban. Kumakapit tayo sa mga pagkakataong maaari lamang tayong magpaubaya, na batid nating tanggap ang totoo nating pagkatao at na ligtas tayo. At ngayong mga araw, marahil dumadalo tayo sa mga pagtitipon at pagsasalu-salo upang muling isabuhay at bigyang-patunay ang mga ugnayan, samahan, pag-uwi sa tahanan.
Noong ipinanganak si Hesus, iniwan Niya ang tahanan ng Kanyang Ama upang makasama tayo. At walang ibang dahilan kung bakit Niya ginawa ito kung hindi para ipabatid sa atin na kasama natin ang Diyos. Na makakasumpong tayo ng kapanatagan at katiyakan sa Kanya. Na kahit pa mabagabag o malito tayo rito sa mundo, hindi magbabago ang katotohanang may tahanan tayo sa Kanyang mga balak at sa Kanyang puso.
Tahanan. Sa pagtatapos ng bawat araw, sa gitna ng mga mapanghamong kalagayan, at sa mga pagkakataong maayos ang buhay, ang nagkakaloob sa atin ng kapayapaan at ang bumubuo sa ating kaligayahan ay ang pag-uwi sa tahanan. Sa panahong ito ng mga pagdiriwang at pagsasaya, isang mabuting hangarin para sa isa’t isa ang nawa magkaroon tayo lagi ng tahanang mapupuntahan at mababalikan. At hindi ito hangaring iguguhit sa hangin sapagkat sa isang di-mawari ngunit tiyak na paraan, isinakatuparan na ito ng Diyos nang ipinadala Niya ang Kanyang Anak sa ating piling.
Can we allow ourself to hope and dream?
Have we experienced what being cherished means?
Racing through life, can there still be more?
Is it possible that something better is in store?
Spirits searching and yearning ask: do we have a home?
#aihninequestionsforchristmas #ateneoishome