Ang makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2024 sa AGS
28 Aug 2024
Noong Martes, ika-27 ng Agosto, galak na galak ang Ateneo de Manila Grade School sa pagpapatuloy ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Pumasok ang mga mag-aaral, guro, kawani at administrador na suot ang kanilang inihandang kasuotang Filipino. Nakatutuwang makakita ng kakaibang kasuotang Filipino ngayong taon. Nariyan sina Mamang Sorbetero at ang tagapaglako ng isda.


Sa unang pagkakataong maging bahagi ng AGS, ang mga kababaihang mag-aaral ay nagsuot ng kanilang patadyong, Igorot, Muslim, at iba pang naggagandahang kasuotang Filipino.



Paglapit ng mga Atenista sa AGS lobby, agad na bumulaga sa kanila ang mga bisitang dambuhalang Higantes mula sa Angono, Rizal. Marami ang nagpakuha ng litrato sa harap ng mga ito.

Dagdag pa sa mga pakikiisa sa Buwan ng Wikang Pambansa, ang mga mag-aaral mula sa Baitang 3, 4 at 6 ay nagpakitang gilas ng kanilang mga talento sa pag-awit at pagsayaw sa mga orihinal na awiting Filipino.
Ipagpatuloy natin ang pagdiwang ng ating pagiging Filipino!