[AGS] Buwan ng Kasaysayan
19 Aug 2024
Maligayang Buwan ng Kasaysayan sa ating lahat!
Alam niyo ba ang mga kuwento ng lugar kung saan kayo nakatira ngayon? Mahalaga ang kasaysayan ng ating lugar dahil bahagi ito ng buong kuwento ng bansa. Kapag iniisip natin kung paano tayo konektado sa lugar kung saan tayo nakatira, nag-aaral, o nagtatrabaho, mas naiintindihan natin ang ating nakaraan at nalalaman natin ang mga aral na puwede nating matutuhan mula rito.
Iyan ang mensahe ng Buwan ng Kasaysayan ngayong taon na may temang, “Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa.” Alamin ang kuwento ng ating paligid para mas malaman natin ang totoong kahulugan ng ating bansa.
Isinulat ng Kagawaran ng Araling Panlipunan.
Disenyo at tema mula sa opisyal na Facebook page ng National Historical Commission of the Philippines