Lenten Reflection: May I Just Say
26 Mar 2024
There are moments when we feel that we want to say something but we can’t seem to or we hesitate to. Or there can be times when we hope to somehow gently ease into what we will utter. Maybe we even have instances when we are uncertain as to how others will perceive our message and that’s why we make a short preamble for it. And so we begin with ‘May I just say…’. May I just say I don’t agree with you. May I just say I’m sad. May I just say I love you.
This whole narrative of Lent might be all about God’s may-i-just-says to us. Because He recognizes our freedom, because He’s a persistent yet respectful suitor, because He’s a gentle lover, He takes His time and He makes much effort to softly tell us certain things through Christ. ‘May I just say I don’t agree with you that you are not meant for better, deeper and greater things?’ ‘May I just say I’m sad for all the pain you’ve been through and that I am just here to carry your burden with you, for you?’ ‘May I just say I love you…so much that I would give my life for your eternal joy and safety?’
There are so many things to say, so manymessages to hear. As we recognize the busyness of our life, every now and then,may we pay attention to the whispers of the Lord. And may we allow ourselfopportunities to open up to Him. Today, may we be honest with ourself, lookinginto our own may-i-just-says as we talk with Him. What is truly in my heartthat I want to acknowledge and say? How is God inviting me to be healed and tobe saved? Where is the Lord’s voice calling me?
May mga pagkakataong nararamdaman nating may gusto tayong sabihin subalit parang nahihirapan o nag-aalinlangan tayo. O kaya may mga oras na nais nating dahan-dahanin ang ating bibigkasin. Marahil nakaranas na rin tayo na di natin matiyak kung paano tatanggapin ng ating kausap ang ating mensahe kung kaya may maikling pasubali tayo para rito. Dahil dito, sinisimulan natin ang ating pagsasalita sa ‘Maaari ko lang bang sabihin…’ Maaari ko lang bang sabihing hindi ako sang-ayon sa iyo. Maaari ko lang bang sabihing nalulungkot ako. Maaari ko lang bang sabihing mahal kita.
Itong buong salaysay ng Kuwaresma ay maaaringtungkol sa mga maaari-ko-lang-bang-sabihin ng Diyos sa atin. Sapagkatkinikilala Niya ang ating kalayaan, sapagkat masikap ngunit magalang Siyangmanliligaw, sapagkat banayad Siyang mangingibig, dahan-dahan Niya tayongnilalapitan at naghahangad Siyang kausapin tayo nang malumanay sa pamamagitanni Kristo. ‘Maaari ko lang bang sabihing hindi ako sang-ayon sa iyo na hindi kalaan para sa mas mainam, mas malalim at mas dakilang mga bagay?’ ‘Maaari kolang bang sabihing nalulungkot ako sa lahat ng sakit na pinagdaanan mo atnarito lang ako para pasanin ang mga ito kapiling mo, para sa iyo? Maaari kolang bang sabihing mahal kita...higit pa sa buhay ko na iaalay ko ito para saiyong walang-hanggang galak at kaligtasan?’
Maraming maaaring sabihin, maraming mensaheng maaaring marinig. Samantalang tinatanggap natin ang iba-ibang pangyayari sa ating buhay, paminsan-minsan, nawa bigyang-pansin natin ang mga bulong ng Panginoon. At nawa tulutan natin ang sarili ng mga pagkakataong maging bukas sa Kanya. Ngayong araw, piliin nating maging tapat sa sarili, at tingnan ang ating mga maaari-ko-lamang-bang sabihin sa pakikipag-usap sa Kanya. Ano ang tunay na nilalaman ng aking puso na nais kong aminin at sabihin? Paano ako inaanyayahan ng Diyos sa paghilom at pagkaligtas? Saan ako tinatawag ng tinig ng Panginoon?
#aihlentenreflections #ateneoishome