Replenished textbooks for this January
16 Jan 2024 | Ateneo University Press
Tamang-tama para sa panibagong semestre, ang mga susunod na libro ay maaaring bilhin muli sa aming online at pisikal na store.
Noli Me Tangere: Nobelang Tagalog ni Jose Rizal 1886 (Edisyong Panghayskul) ni Paolo Ven B. Paculan at guhit at Disenyo ni Niki Calma
Kakaiba ang edisyon na ito dahil ginawa nitong madaling intindihin ang isa sa mga obra maestra ng ating pambansang bayani—simple lang ang mga salita, kumpleto pero maikli, may mga drowing, at may glosarayo.
Shopee: https://go.ateneo.net/NMTShop
Lazada: https://go.ateneo.net/NMTLaz
Price: PHP 510
Ibong Adarna: Unang Yugto ni Paolo Ven Paculan
Ito ang bersiyon ng klasikong korido na binasa at binigkas ng ating mga ninuno. Ngunit hindi ibig sabihin na mahirap itong maintindihan sapagkat mayroong glosaryo at makukulay na larawan na siguradong magpapadali sa inyong pagbabasa.
Shopee: https://go.ateneo.net/IAShop
Lazada: https://go.ateneo.net/IALaz
Price: PHP 230
Florante at Laura: Kritikal at Interaktibong Edisyon ni Paulo Ven Paculan
Nais ng edisyon itong buuin mula sa iba’t ibang luma at mapgkakatiwalaang batayan ang orihinal na teksto ni Balagtas. Masasabing interaktibong edisyon ito sapagkat sapat ang espasyo sa paligid ng mga berso, nakalagay ang mga depinisyon ng mga salita sa tabi ng mga saknong, mayroon itong mga larawan at mga mungkahing gawain, mga gabay na tanong, at mga hirit.
Shopee: https://go.ateneo.net/FALShop
Lazada: https://go.ateneo.net/FALLaz
Price: PHP 490
Bagay: Gabay sa Pagsulat sa Wikang Filipino ni Alvin B. Yapan
Binubuksan ng kasalukuyang gabay ang pakikiagapay ng Pamantasang Ateneo de Manila sa mga nangyayari sa labas ng bakod nito sa paglinang ng wikang pambansa. Sa ganitong pamamaraan, iniiwasan ang pagkakakulong ng wikang Filipino sa loob ng praxis lamang ng pamantasan. Nakikiisa ang kasalukuyang gabay sa proyekto ng istandardisasyon ng wikang Filipino sa buong kapuluan.
Shopee: https://go.ateneo.net/BShop
Lazada: https://go.ateneo.net/BLaz
Price: PHP 365
Mga guro at mag-aaral, bilhin niyo na.