[AGS] National Peace and Consciousness Month
29 Aug 2023
Ang pagkakaisa at kapayapaan ang nagbibigay-buhay at pag-asa sa ating lipunan. Sa panahon ng pagbabago at kaguluhan, inaanyayahan tayong magtulungan at magmalasakit para sa ikabubuti ng lahat. Sa mundong nababalot ng hidwaan at alitan, isa pa rin sa ating pinakamalalim na mithiin ay ang makamit ang tunay na kapayapaan. Ngunit ang kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng gulo, kundi ito ay nagsisimula sa pagkakaroon ng pag-unawaan at respeto sa isa’t isa.
Sa pag-usbong ng modernisasyon at teknolohiya, madalas ay nawawala na ang ating koneksyon sa kapwa. Ang tema natin ngayon ay nagpapaalala na mahalaga pa rin ang pagbukas ng ating mga puso’t isipan sa iba’t ibang pananaw ng ating kapwa. Sa pamamagitan nito, mas makabubuo tayo ng matatag na ugnayan sa isa’t isa.
Inaanyayahan namin ang lahat na maging instrumento ng pagbabago at pag-asam ng isang mas mabuting kinabukasan para sa lahat sa pamamagitan ng pagtutulungan, pag-unawaan, at pagmamahalan. Tiyak na magiging posible ang isang lipunang pinagtitibay ng pagkakaisa at pinupuno ng kapayapaan.
Isinulat ni Bb. Caira Nicole Oliva.
Disenyo ni Bb. Ella Marie Balsa at Bb. Caira Nicole Oliva.