Call for Donations: Tulong Para Kay Ate Elleonor
24 Apr 2023
Si Ate Elleonor ay isang single mother mula sa Gawad Kalinga - PWD Village. Isa siya sa mga kasalukuyang partner parents ng programang Binhi, at bukas siyang nagbabahagi ng kanyang mga karanasan at payo sa mga Atenistang mag-aaral na nakakasama niya tuwing Online Kwentuhan.
Ilang buwan lamang ang nakalipas mula nang magkaroon ng elbow fracture ang kanyang anak na may mental disability. Dulot nito, kakailanganing operahan ang anak ni Ate Elleonor, ngunit nagkakahalagang Php 55,000.00 ang elbow implant para sa operasyong ito.
Kami ay kumakatok sa inyong mga puso upang manghingi ng tulong para kay Ate Elleonor, dahil mag-isa niya ring itinataguyod at inaalagaan ang 3 niyang anak.
Sa mga nais tumulong, maaari kayong magpadala sa GCash sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na makikita sa poster na ito o sa number na ito: 0930 697 9010 - Elleonor B.