Call for Donations: Pinansyal na Tulong para kay Tatay Orencio
17 Mar 2023
Sandaang Piso para kay Tatay Orencio.
Si Tatay Orencio ay asawa ni Nanay Myrna Flor mula sa St. Maria de Matias Center, Marikina Heights. Naging katuwang sila ng Binhi program at Praxis program noon. Bukas na tinatanggap ng kanilang pamilya ang mga mag-aaral ng Ateneo sa kanilang tahanan.
Dahil sa hindi inaasahang aksidente noong Pebrero, nagkaroon ng bali sa paa si Tatay Orencio. Kasalukuyan silang nasa Quirino Memorial Medical Center at nangangailangan ng Php 40,000 para sa operasyon. Tulong-tulong tayong maabot ang Php 40,000 bago ang Marso 29, 2023!
Kung may nais mong tumulong, maaaring magpadala sa GCash gamit ang QR code sa ibaba. (Jonathan R.)
Maaari rin kayong magpadala ng mensahe sa aming Social Media accounts (FB, Instagram and Twitter) o e-mail para sa karagdagang impormasyon.