CBA Bulletin 4
08 Mar 2023
8 March 2023
[ENG] The University administration received a first Notice of Strike filed by the Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) on 4 January 2023, later withdrawn on 24 January 2023. However, a second Notice of Strike was received on 16 February 2023.
The Ateneo Administration continues to work with the National Conciliation and Mediation Board, the Department of Labor and Employment, and the AEWU so that the University and the Union will reach a fair and just agreement that will benefit not only a few, but everyone who works in our shared mission. Unfortunately, even at today’s conciliation meeting, no agreement is yet in sight.
With the second Notice of Strike, prudence requires that the University prepares for the possibility that there could be a strike by the AEWU. The earliest time that the strike can take place, granting all requisite steps are complied with, will be on 26 March 2023.
The Administration is taking steps to ensure that there will be minimal to no disruption in University operations in case the Union conducts a strike. Contingency plans are already in place so that school operations, and delivery of services to various stakeholders in case of staff shortage, will continue.
In the event of a strike, the University will shift to online mode of operations. Classes at all levels will be conducted online. Work at all offices will be conducted online, working from home. Technical support will continue to be provided remotely.
All the schools, units, and offices are requested to bolster their plans of shifting online in the event of a strike.
Although this may require some adjustments for the University community and our students' families, going online under these circumstances ensures everyone's safety and the continued delivery of learning and teaching.
We continue to ask for everyone’s prayers and support so that the negotiations will be concluded favorably.
For more information and updates about the ongoing CBA negotiations, you may visit ateneo.edu/cba.
8 Marso 2023
[FIL] Nakatanggap ang administrasyon ng Pamantasan ng unang Notice of Strike na inihain ng Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) noong 4 Enero 2023. Binawi rin ito noong 24 Enero 2023. Gayunpaman, natanggap ang ikalawang Notice of Strike noong 16 Pebrero 2023.
Patuloy na nakikipagtulungan ang Ateneo Administration sa National Conciliation and Mediation Board, Department of Labor and Employment, at AEWU upang makamit ng Pamantasan at Unyon ang patas at makatarungang kasunduan, na pakikinabangan, hindi lang ng iilan, kundi ng lahat ng kasalo sa misyon natin. Maging sa conciliation meeting kaninang umaga, hindi pa rin tayo pinalad na may makikinitang kasunduan.
Sa ikalawang Notice of Strike, kailangang agapan ng Pamantasan ang posibilidad na maantala o magambala ang operasyon kung sakaling magkaroon ng strike ang AEWU. 26 Marso 2023 ang pinakamaagang petsa kung kailan maaaring magstrike ang AEWU. Sa kondisyon ito na natupad na ang mga kailangang hakbang at tuntunin sa ilalim ng batas.
Sinisigurado ng Administrasyon na kakaunti o halos walang gambala sa operasyon ng Pamantasan, sakaling magwelga ang Unyon. Nakahanda na ang contingency plan upang matiyak ang patuloy na operasyon ng mga paaralan, at hindi maantala ang serbisyo sa iba't ibang stakeholder ng Ateneo, kung sakaling magkulang sa staff.
Sa pagkakataong matuloy ang strike, lilipat ang Pamantasan sa operasyon na online mode. Magiging online ang mga klase sa lahat ng antas. Ganon din ang trabaho ng lahat ng opisina, magiging online at work from home ang mga empleyado. Tinitiyak ng Pamantasan ang patuloy na paghahatid ng remote technical support.
Hinihiling na ipagtibay ng lahat ng mga paaralan, unit, at opisina ang kanilang mga plano ng paglilipat online, kung sakaling magkaroon ng strike.
Bagama’t kailangang mag-adjust ng komunidad ng Pamantasan at ng pamilya ng mga estudyante sa online na operasyon, sa pamamagitan nito, sa ganitong mga pagkakataon, matitiyak natin ang kaligtasan ng lahat at ang walang patid na paghatid ng pag-aaral at pagtuturo.
Patuloy kaming humihingi ng panalangin at suporta ng lahat upang matapos nang maayos ang negosasyon.
Para sa dagdag na impormasyon at mga update tungkol sa patuloy na CBA negotiation, maaaring bisitahin ang ateneo.edu/cba.