CBA Bulletin 1
30 Aug 2022
30 August 2022
For more than two years, the pandemic has tested Ateneo de Manila’s capacity and commitment in taking good care of our people: administrators, faculty, staff, and professionals.
Despite the difficult financial and logistical constraints of maintaining operations in a drastically altered economic and educational landscape, we are proud to have kept all our personnel employed and avoided any lay-offs, ensuring that our employees continued to have a stable means of livelihood.
Aside from this, the University extended a number of significant financial and non-financial assistance programs to all employees, which allowed them to take good care of their families and address many financial issues that arose from the multiple crises we all faced. This included Blue Aid, the University Vaccination Program, and medical assistance programs. The community also put their hands and hearts together in initiating joint programs like Kapit-Katips and the Solidarity Fund for COVID-stricken employees and their family members..
Therefore, even in the most difficult of times, our entire community remained hopeful and optimistic, putting our core educational mission first and foremost because we, as one Ateneo de Manila community, all worked together to ensure that we are taking good care of everyone to the best of our abilities and resources.
It is in this setting that the Administration and the Ateneo Employees Workers Union (AEWU) will begin its negotiations for the last two years of the 2019-2024 Collective Bargaining Agreement on Wednesday, 31 August 2022.
As we enter this new round of negotiations, Ateneo de Manila reaffirms its vow to do what is fair, just, and equitable for all members of the community, so that our University remains strong and stable in the years to come to be able to fulfill our educational mission in service of the nation.
We ask the community to pray for everyone involved in the negotiations, for clarity of thought, openness, fairness, and honesty. We pray for the guidance of the Holy Spirit, and the intercession of our patroness, Our Lady of the Immaculate Conception, so that the conduct of the negotiations remain professional and amiable as both parties strive to reach an amicable agreement that is fair to everyone.
Roberto C Yap SJ
President
30 Agosto 2022
Sa loob ng mahigit dalawang taon, sinubukan ng pandemya ang kapasidad at paninindigan ng Ateneo de Manila na mapangalagaan ang mga empleyado nito: mga administrador, guro, staff, at mga propesyonal.
Sa kabila ng mahirap na pinansiyal at logistical na mga hadlang sa pagpapanatili ng operasyon sa isang lubhang binagong pang-ekonomiya at pang-edukasyon kalagayan, ating maipagmamalaki na patuloy natin nabigyan ng trabaho ang lahat ng ating mga empleyado at naiwasan ang pagkakaroon ng lay-off sa trabaho, upang matiyak na ang mga empleyado ay patuloy na may matatag na pangkabuhayan.
Bukod dito, ang Pamantasan ay nagpalawig ng ilang makabuluhang programa na tulong pinansyal at hindi pinansiyal para sa lahat ng mga empleyado. Ang mga programang ito ang nagbigay-daan upang kanilang mapangalagaang mabuti ang kanilang mga pamilya at matugunan ang maraming isyu sa pananalapi dulot ng krisis na kinakaharap nating lahat. Kabilang dito ang Blue Aid, ang University Vaccination Program, at iba pang programang tulong medikal. Nagkapit kamay at puso rin ang mga miyembro ng ating komunidad upang simulan ang magkasanib na mga programa tulad ng Kapit-Katips at ang Solidarity Fund upang tulungan ang mga empleyadong naapektuhan ng COVID at ang mga miyembro ng kanilang pamilya.
Kaya naman, kahit sa pinakamahirap na panahon, ang buong komunidad ay nanatiling may pag-asa at optimistiko, na inuuna ang pangunahing misyon na pang-edukasyon, dahil tayong lahat bilang isang komunidad ng Ateneo de Manila, ay nagtulungan upang matiyak na ating pinangangalagaan ang lahat sa abot ng ating mga kakayahan at mapagkukunan.
Sa ganitong sitwasyon sisimulan ng Administrasyon at ng Ateneo Employees Workers Union (AEWU) ang negosasyon para sa huling dalawang taon ng 2019-2024 Collective Bargaining Agreement sa Miyerkules, ika-31 Agosto 2022.
Sa pagpasok natin sa bagong yugto ng negosasyon, muling pinagtitibay ng Ateneo de Manila ang panata na gawin kung ano ang patas, makatarungan, at may pagsasaalang-alang sa lahat ng miyembro ng ating komunidad. Sa ganitong paraan, ang Pamantasan ay mananatiling matibay at matatag sa mga darating pang panahon, upang maisakatuparan ang misyong pang-edukasyon na paglilingkod sa bayan.
Hinihiling namin sa komunidad na ipagdasal ang lahat ng kasangkot sa mga negosasyon, para sa kalinawan ng pag-iisip, pagiging bukas, patas, at tapat. Ating din ipinapanalangin na patnubayan tayo ng Espiritu Santo, at sa pamamagitan ng ating patron, Our Lady of the Immaculate Conception, na magpatuloy ang mga negosasyon nang propesyonal at magiliw habang nagsisikap ang magkabilang panig na maabot ang isang mapayapang kasunduan na magiging patas para sa lahat.
Roberto C Yap SJ
Pangulo
CBA-01-08292022-v01.pdf