Paggunita ng AGS sa EDSA People Power Revolution
04 Mar 2025 | Bb Tin Marcelino

Muling binuhay ang diwa ng EDSA People Power Revolution sa isang linggong pagdiriwang sa Ateneo de Manila Grade School na puno ng makabuluhang gawain. Pinangunahan ng AP at CLE Departments, Social Involvement Office, at Assistant Headmaster for Formation, layunin ng selebrasyon na ipaalala sa mga mag-aaral ang halaga ng demokrasya at pagkakaisa. Bukod sa online at onsite class discussions, gumawa ang mga mag-aaral ng mga simbolikong guhit at panalangin ng pag-asa. Isa sa mga tampok ay ang exhibit sa Heritage Room ng mga memorabilia mula sa EDSA, kabilang ang mga larawan, kuwento, at maging ang krus na dinala ng komunidad ng Ateneo noon.


Sa sama-samang paggunita, ipinakita ng Ateneo na ang diwa ng People Power ay buhay pa rin— isang paalala na ang pagmamahal sa bayan at pagkakaisa ay hindi naluluma sa panahon.
