[AGS] Bonifacio Day 2023
30 Nov 2023
Isang makasaysayang umaga sa lahat!
Ngayong araw, Nobyembre 30, ating ginugunita ang ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio. Ang tema para sa taong ito ay, “Bonifacio 2023: Katungkulan at Pananagutan Tungo sa Kaunlaran ng Bayan”. (Bonifacio 2023: Duty and Responsibility Toward the Nation’s Progress)
Ating balikan ang mga salita ng kilalang Supremo ng Katipunan: “Itinuturo ng katwiran na tayo’y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo’y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan. Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan. Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan.”
Binuhay ni Bonifacio ang nasyonalismo sa puso’t isipan ng mga Pilipino. Walang dudang ang kanyang marangal na pagkamatay ay nag-iwan ng pamana sa sambayanan - ang pagbibigay halaga sa kalayaan at pagmamahal sa bayan.
Pagpupugay sa isa sa mga magigiting na bayani ng ating bansa, ang Ama ng Rebolusyong Pilipino - Gat Andres Bonifacio!
Poster mula sa: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)