[AGS] United Nations Week
23 Oct 2023
Isang mapagpalang araw sa lahat! 
Ipinagdiriwang ang United Nations Day tuwing ika-24 ng Oktubre. Sa taong ito, ating pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay sa mundong ating ginagalawan. 
Sa kasalukuyan, humaharap sa isang matinding krisis ang mga taga-Gitnang Silangan dulot ng hindi pagkakaunawaan at karahasan. Ito ay nagresulta sa pagdurusa, pagkamatay ng maraming tao, pagkawasak ng mga ari-arian at iba pang paglabag sa mga karapatang pantao. Ang karahasan ay hindi kailanman katanggap- tanggap.
Tayo ay makibahagi sa pagsisikap ng United Nations at mga kasaping bansa nito sa pagsulong sa isang mapayapa at ligtas na kinabukasan para sa lahat. Simulan natin sa ating sariling tahanan, paaralan at komunidad - ipalaganap natin ang pagmamahal at paggalang sa kapwa. 
Maligayang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa!
Mensahe mula sa Kagawaran ng Araling Panlipunan  
Disenyo nina Anj Cariquitan at Cha Inumerable
Pagsasaayos at pag-akma ng laki ng disenyo ay ginawa ni Ruby Punay 
 
 
 
 
            
                                                     
 
 
 
