Paggunita sa kabayanihan ni G Ninoy Aguino
18 Aug 2023
Isang mapayapang araw sa lahat!
Sa darating na 21 Agosto 21 ay ating gugunitain ang ika-40 taong anibersaryo ng pagkamatay ni dating senador Benigno "Ninoy" S Aquino, Jr.
Alalahanin natin ang kanyang katapangan at pagsisikap tungo sa pagkakaroon ng reporma at panunumbalik ng ating demokrasya.
Ating sariwain at pagyamanin ang diwa sa likod ng tanyag na mga salita ni Aquino, “I will never be able to forgive myself if I will have to live with the knowledge that I could have done something and I did not do anything.” Nawa’y ipagpatuloy natin ang makabayang ehemplong sinimulan ni Ninoy. Buong puso tayong tumindig para sa katotohanan at hustisya sa ngalan ng karapatan nating mga Pilipino.
Maraming salamat at mabuhay ang sambayanang Pilipino!