Skip to main content
Main Secondary Navigation
  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • Giving
  • News
  • Events
Main navigation
  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • 45th University Service Awards: Celebrating Milestones in Service (Part 3)

45th University Service Awards: Celebrating Milestones in Service (Part 3)

15 Mar 2023

45thUSA2022

On 23 March 2023, the university will hold the 45th University Service Awards at the Ateneo High School Covered Courts, honoring 471 employees. 

In a 4-part feature, we asked some of this year’s awardees to answer three questions:

What made you stay in Ateneo?

What are you most thankful for as an employee at the University?

How would you describe the Ateneo work environment to a new employee?

Part 3 features Lilibeth R. Castillo (University Archives) and Perfecto R. Guerrero III (Ateneo Junior High School).

 

Lilibeth R. Castillo

University Archives

Years in service: 30

Bakit nga ba ako nagtagal sa Ateneo? Unang-una inspirado at masaya akong magtrabaho dahil sa mababait kong kasamahan, suportado at napapagaan ang anumang gawain sa opisina. Pangalawa, ang magandang benepisyo at insentibo na natatanggap ko sa Ateneo, kasama sa benepisyo ang makapag-aral ang aking mga anak sa isang prestiyosong unibersidad. Nagagampanan ko ng balanse ang aking trabaho at personal na buhay ng walang inaapakang tao. Natuto ako sa paglago ng aking career sa pamamagitan ng training upang mapaunlad pa ang hinaharap. Masarap magtrabaho sa loob ng Ateneo, dahil napakalinis ng kapaligiran,  may mababait at matulungin na nakakasalamuha sa araw-araw pero di mo rin maiiwasan ang araw na hindi maganda subalit mas lamang ang araw na masaya at nakaka-enganyong pumasok.  

Nagpapasalamat ako sa paggabay sa akin ng mga taga-Personnel upang matapos ang panayam sa akin ng maayos at may konting kaba. Nagpapasalamat ako sa una kong naging boss at naging daan upang makapagsimula sa trabahong aking minahal sa loob ng tatlumpung taon. Pinasasalamatan ko rin ang mga kaibigan at mga naging kasamahan sa trabaho na sumuporta na dahilan kung bakit gusto mong gumising ng maaga at masayang pumasok sa trabaho. 

Sa mga baguhang kapapasok lang ang pagpasok sa trabaho araw-araw nang maaga ay hindi lamang isang challenge para maging isang ulirang empleyado. Pagpapakita rin ito ng disiplina, kasipagan, respeto at interes sa trabaho. Dito sa Ateneo ako nagsimulang magtrabaho at dito na rin ako magreretiro kalakip ang buong pusong pasasalamat sa lahat ng nakasama at nakasalamuha ko. 

Amare Et Servire!

 

Perfecto R. Guerrero III 

Ateneo Junior High School 

Years in service: 20

Sa loob ng 20 taon, nanatili at naglagi ako sa Ateneo (Junior) High School dahil ito ang nagturo sa akin na tanggapin ang hamon, sunggaban ang pagkakataon, at magtiwala sa Panginoon. 

Sa bawat hamong aking tinanggap, palagi kong nadarama na ako ay tumubo at lumago. Pagtuturo man ang aking propesyon, naging pagkakataon ang lahat para sa aking personal at propesyunal na pagkatuto. Tinuruan ako ng Ateneo na patuloy na magtiwala sa Panginoon, sa pamamagitan ng pagtitiwala sa aking sarili, pagtitiwala sa aking mga mag-aaral at pagtitiwala sa mismong paaralan na aking pinaglilingkuran. 

Ang aking ugnayan sa Ateneo ay isang away-bating relasyon. Maraming tagumpay, maraming kabiguan. Maraming kaligayahan at maraming kalungkutan. Maraming pagtaas at maraming pagbaba. May mga desisyon at paninidigan man ang Ateneo na hindi ko naintindihan, nakakahigit ang dami ng aking mga karanasan at kadakilaang idinulot sa akin ng Ateneo - na lubos kong pinahahalagahan at pinasasalamatan.

Hindi man ako kabilang sa mga itinuturing na "true-blue Atenean," matindi ang aking pakiramdam na minahal at pinagkatiwalaan ako ng Ateneo, mula noon hanggang ngayon - at ito ang lubos kong ipinagpapasalamat. Bukod sa ito ang pinagkukuhaan ko ng aking ikinabubuhay, ang pagkakataong makahubog ng libu-libong mga Atenista ay isang malaking karangalan. Sa bawat pag-alalay, paggabay at pag-agapay ko sa lahat ng aking mga mag-aaral at maging ng aking mga kasamahan at kaguro, alam kong nariyan palagi ang Ateneo para umalalay, gumabay at umagapay sa akin. Isang dalawampung taong pasasalamat, mahal kong Ateneo. 

Sa aking bagong kaguro at kapwa-tagahubog, napakapalad mo at makasasama ka sa isang misyon na kung tawagin ay Ateneo. Bukod sa unti-unti mong makakamit ang iyong mga pangarap, magiging instrumento ka rin sa pag-abot ng pangarap ng bawat mag-aaral na daraan sa iyong pagpapala - at hindi mo namamalayan, nakahubog ka na ng mga Atenistang mahusay, may malinis na budhi, may malasakit, may pagtataya at maka-Diyos. 

Tara na sa paghubog ng mga Atenista-para-sa-at-kasama-ang-kapwa!

This interview has been edited for length and clarity.

Read Part 1 and Part 2. 

General Interest Administration Cluster Graduate School of Business School of Government School of Law School of Medicine and Public Health Gokongwei Brothers School of Education and Learning Design School of Humanities John Gokongwei School of Management School of Science and Engineering Rosita G Leong School of Social Sciences Grade School Junior High School Senior High School
Share:

Recent News

Testing Updating of Medical Record

16 Jul 2025

One Big Flight of the tiniest wings: AIS installs 16th pollinator pocket in Ateneo at the Grade School Complex

15 Jul 2025

RGL Hub examines the intersection of health and politics in Brown Bag Session

15 Jul 2025

Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 (College OHS Memo)

15 Jul 2025

AIS bridges climate change education through interactive workshop

15 Jul 2025

Fire stove project of DS majors receives 2025 ASCEND Excellence Award

15 Jul 2025

From vision to reality: 10 new homes turned over in German Village, GK Kalikasan, Cabiao, Nueva Ecija

15 Jul 2025

AJHS chess wizards Fua and Co help Team PH shine at 23rd ASEAN+ Age Group Chess Championships

15 Jul 2025

Join the Ateneo Art Gallery for an ArtSpeak session with Baguio artists at Ili-likha Artists Wateringhole this 24 July

14 Jul 2025

Application for Credit for the College Board’s Advanced Placement (AP) or International Baccalaureate Diploma Programme (IB DP) for the First Semester of SY 2025-2026 (OUR Memo)

14 Jul 2025

You may also like these articles

Eagle1

16 Jul 2025

Testing Updating of Medical Record

Immunization Record

Eagle1

15 Jul 2025

Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 (College OHS Memo)

15 July 2025 TO: Undergraduate and Graduate Students FROM: Higher Education Office of Health Services-College SUBJECT: Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 Please

CF

15 Jul 2025

AIS bridges climate change education through interactive workshop

Last 08 July 2025, the Ateneo Institute of Sustainability (AIS) hosted a three-hour workshop modeled after Climate Fresk , a global, science-based collaborative mapping project

Salutuan

15 Jul 2025

Fire stove project of DS majors receives 2025 ASCEND Excellence Award

This year’s ASCEND Excellence Award for College Coursework Research was awarded to Team Kaibanan sa Kalambuan, composed of Christine Noelle Choo, Glenn Derwin Dela Torre

GKA July 1

15 Jul 2025

From vision to reality: 10 new homes turned over in German Village, GK Kalikasan, Cabiao, Nueva Ecija

On 12 April 2025, ten families were formally welcomed into their new homes during a house turnover ceremony at the German Village in Gawad Kalinga

GSBE ArtSpeak

14 Jul 2025

Join the Ateneo Art Gallery for an ArtSpeak session with Baguio artists at Ili-likha Artists Wateringhole this 24 July

The Ateneo Art Gallery presents a conversation with featured Baguio artists of the exhibition “Gongs. Smoke. Blood. Earth.” on 24 July (Thursday), 1:30pm to 3:30pm

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001