Skip to main content
Main Secondary Navigation
  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • Giving
  • News
  • Events
Main navigation
  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • Pag-asa sa Pagbabasa

Pag-asa sa Pagbabasa

28 Feb 2023 | Noel Nanas

Ano nga ba ang ginagawa ng isang Atenistang Scholar kada ikatlong linggo ng buwan? 

Clue: Pagbabasa

Isa sa aking mga ginagawa tuwing ikatlong linggo ng buwan ay ang pagbabahagi ng aking oras para tulungan magbasa ang mga bata mula sa Project Solidarity with Orphans and Widows o Project SOW kasama na rin ang iba pang mga volunteers mula sa Ateneo. Ang Project SOW ay isang organisasyon ng mga nanay at mga naulilang anak ng mga biktima ng extrajudicial killings o “tokhang” noong nakaraang administrasyon, mula sa komunidad ng dumpsite sa Payatas. Nabuo ang kanilang organisasyon upang tulungan ang mga naiwan na muling makatayo sa buhay para na rin sa kanilang mga anak. 

Ang aming grupo ay binubuo ng mga aktibo ring naging volunteers noong panahon ng eleksyon at pinag-usapan na rin namin noon kung ano ang aming gagawin pagkatapos ng eleksyon. Ang reading sessions na ito ay isa sa mga naisip naming gawain upang patuloy kaming makasangkot sa lipunan at makapagbigay na rin ng serbisyo sa ating kapwa. Isa pang dahilan ng pagkabuo nito ay ang pag-usbong ng mga learning hubs sa iba’t ibang lugar, kung saan ako ay aktibong nagtuturo din, upang magkaroon rin ng espasyo ang mga bata mula sa Project SOW na kung saan sila ay makakapag-aral.

Ang aming unang sesyon ay nakatuon sa pagbibigay ng pre-assessment sa mga bata na ang layunin ay ang masukat ang antas ng pagbabasa nila. Ito ay naganap noong ika-30 ng Hulyo 2022 na inorganisa namin ni Ma’am Floy Soriano ng OSCI, kasama ang iba pang mga volunteer na sina Sir Joel (OSCI), Ate Ace (AGS), at Kuya Jeff. Dalawampu’t isang (21) bata ang aming nabigyan ng pre-assessment, mula ika-1 baitang hanggang ika-7 baitang, at mula rito walo (8) ang hindi pa kaya magbasa sa wikang Filipino at hindi pa alam ang alpabeto. Mahina rin ang kanilang pag-unawa sa mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino. Para naman sa Ingles, pito (7) ang hindi marunong magbasa at kahit papaano ang natitirang labing-apat (14) ay maayos ang naging score sa Dolch Sight Words na hanggang pang-ika 3 baitang ngunit kailangan pa rin na pag-igihin.

bigkis osci
Kuha mula sa unang Reading Session mula sa Project SOW

Nakausap namin si Nanay Diding at ang iba pang nanay mula sa Project SOW tungkol sa naging resulta ng pre-assessment namin. Nabanggit nila na kahit hindi marunong magbasa ang mga bata ay napo-promote ito sa susunod na baitang dahil ito ang polisiya ng DepEd na sinusunod na lamang ng mga guro. Kaming pawang mga volunteers, sa tulong na rin ni Ate Ace na isang guro sa elementarya, ay nagkaroon ng ebalwasyon base sa naging resulta ng ginawa naming pre-assessment. Mula rito, nagkaroon kami ng ebalwasyon at nagkaroon din ng ilang rekomendasyon para sa aming mga susunod na reading session. Ilan na rito ay ang pagkakaroon nila ng sariling silid-aklatan, panghihikayat sa mga kabataan na tulungan ang mas nakababata sa SOW, at paghingi na rin ng tulong sa iba pang volunteers upang matulungan ang mga bata sa pagbabasa. Mula sa naging resulta ng pre-assessment, ang naging layunin ng aming sumunod na reading sessions ay ang maturuan ang mga bata tungkol sa kanilang pagbabasa, mas mahasa pa ang kanilang kakayahan, at matutunan nilang pahalagahan ang pagbabasa.

bigkis osci
Kuha ng pag-uusap ng mga Volunteers kasama sila Nanay Diding mula sa Project SOW

Ang bawat reading session ay puno ng mga aral at kwento, hindi lamang mula sa mga volunteer tutors, kundi pati na rin mula sa mga bata at sa kanilang mga nanay at lola. Isa sa mga nakatataba ng puso ay ang mainit na pagtanggap sa amin sa bawat linggo na pupunta kami rito. Bukod sa mainit na pagtanggap ay ang aktibong pakikilahok ng mga bata sa pagbabasa at makikita mo sa kanila ang kanilang kagustuhang matuto. Inaabangan nila kada ikatlong linggo ang pagbalik ng kanilang mga ate at kuya upang turuan silang magbasa at magbahagi ng panibagong kwento para sa kanila.

Isa sa mga hindi ko malilimutang kwento ay nangyari noong ika-19 ng Pebrero. Sinalubong kami ni Christian “Tikyo” ng yakap pagpunta namin. Si Tikyo ay isa sa mga batang aktibong kasali sa aming reading session. Habang nagpapahinga at nagmemeryenda ang mga bata, umakyat ang kanyang Lola at tuwang-tuwa na ipinakita sa amin ang mga marka ni Tikyo. Tinanong daw siya ng guro kung sino ang tutor ni Tikyo at ang sagot niya ay ang mga taga-Ateneo raw (na ang tinutukoy ay kami). Maaaring sabihin natin na hindi direktang nakaapekto sa marka ni Tikyo ang reading sessions ngunit nakakataba ng puso ang ideya na labis ang pasasalamat nila sa reading sessions namin.

bigkis osci
Litrato kasama si Tikyo

“Pag-asa sa pagbabasa,” isa ito sa aking dahilan ng pagvo-volunteer. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng pagbabasa na malaking tulong ito sa bawat bata sa kanilang buhay. Patuloy akong naniniwala at hindi nawawalan ng pag-asa na ang mga susunod na henerasyon ay tunay na pag-asa ng bayan. Bilang isang estudyante na nagnanais na maging guro, ang aking adbokasiya ay ang edukasyon para sa lahat lalo na sa mga nasa laylayan na mas kailangan nito. Isa na rin itong paraan ng aking pagbabalik para sa regalo ng scholarship sa akin ng Ateneo. Hindi ko man matuturuan ang lahat, ngunit sa mga ganitong paraan, kagaya ng reading session, ay kahit papaano may maitutulong ako sa kapwa. Kung sa tingin niyo ang mga volunteer lamang ang nakatutulong sa kapwa, nagkakamali kayo roon kasi marami akong natutunan mula sa mga taong aking natulungan. Akala ko noon na ako lang ang makatutulong sa kanila ngunit nagkamali ako dahil ako rin ay patuloy nilang tinutulungan. Tinutulungan nila akong manatiling nakaapak sa lupa, patuloy na maging mabuting tao at patuloy na tumulong pa sa ibang tao. 

Malimit lamang ang aming reading sessions dahil isang beses lamang ito kada buwan, ngunit naniniwala ako na malaking bagay na ito para sa mga bata. Isang araw na may nakatututok na magtuturo sa bawat isa sa kanila, isang araw na may ate at kuya na gagabay sa kanila lalo na kapag nahihirapan sila magbasa, at isang ate o kuya na aalalay sa kanila. Isa rin ito sa nagbibigay ng pag-asa sa akin na sa kabila ng kanilang hirap na dinanas ay patuloy pa rin silang lumalaban. 

Ikaw, ano ang ginagawa mo tuwing ikatlong linggo ng buwan? 

Kung gusto mong makasama sa aming reading sessions o nais magpadala ng donasyon, maaari kang magpadala ng email kay Ma’am Floy Soriano sa fsoriano@ateneo.edu. 

Si Noel Nanas ay kasalukuyang 4th year student sa Ateneo na may kursong AB Interdisciplinary Studies. Isa siyang aktibong volunteer sa Project SOW Reading at isang Financial Aid Scholar. 

General Interest
Share:

Recent News

Testing Updating of Medical Record

16 Jul 2025

One Big Flight of the tiniest wings: AIS installs 16th pollinator pocket in Ateneo at the Grade School Complex

15 Jul 2025

RGL Hub examines the intersection of health and politics in Brown Bag Session

15 Jul 2025

Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 (College OHS Memo)

15 Jul 2025

AIS bridges climate change education through interactive workshop

15 Jul 2025

Fire stove project of DS majors receives 2025 ASCEND Excellence Award

15 Jul 2025

From vision to reality: 10 new homes turned over in German Village, GK Kalikasan, Cabiao, Nueva Ecija

15 Jul 2025

AJHS chess wizards Fua and Co help Team PH shine at 23rd ASEAN+ Age Group Chess Championships

15 Jul 2025

Join the Ateneo Art Gallery for an ArtSpeak session with Baguio artists at Ili-likha Artists Wateringhole this 24 July

14 Jul 2025

Application for Credit for the College Board’s Advanced Placement (AP) or International Baccalaureate Diploma Programme (IB DP) for the First Semester of SY 2025-2026 (OUR Memo)

14 Jul 2025

You may also like these articles

Eagle1

16 Jul 2025

Testing Updating of Medical Record

Immunization Record

Eagle1

15 Jul 2025

Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 (College OHS Memo)

15 July 2025 TO: Undergraduate and Graduate Students FROM: Higher Education Office of Health Services-College SUBJECT: Updating of Medical Records First Semester SY 2025-2026 Please

CF

15 Jul 2025

AIS bridges climate change education through interactive workshop

Last 08 July 2025, the Ateneo Institute of Sustainability (AIS) hosted a three-hour workshop modeled after Climate Fresk , a global, science-based collaborative mapping project

Salutuan

15 Jul 2025

Fire stove project of DS majors receives 2025 ASCEND Excellence Award

This year’s ASCEND Excellence Award for College Coursework Research was awarded to Team Kaibanan sa Kalambuan, composed of Christine Noelle Choo, Glenn Derwin Dela Torre

GKA July 1

15 Jul 2025

From vision to reality: 10 new homes turned over in German Village, GK Kalikasan, Cabiao, Nueva Ecija

On 12 April 2025, ten families were formally welcomed into their new homes during a house turnover ceremony at the German Village in Gawad Kalinga

GSBE ArtSpeak

14 Jul 2025

Join the Ateneo Art Gallery for an ArtSpeak session with Baguio artists at Ili-likha Artists Wateringhole this 24 July

The Ateneo Art Gallery presents a conversation with featured Baguio artists of the exhibition “Gongs. Smoke. Blood. Earth.” on 24 July (Thursday), 1:30pm to 3:30pm

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001