[AGS] National Book Week
13 Nov 2022
Ang buwan ng Nobyembre ay itinalagang Buwan ng Pagbasa!
Isinusulong ng selebrasyon na ito ang kahalagan ng pagbasa upang malinang ang kakayahan ng bawat isa, lalo na ang mga bata at kabataan.
Ang tema ng AGS National Book Week sa taong ito ay "Tara na, Atenista! Nasa Pagbabasa ang Pag-asa!" na hango sa pambansang tema na "Basa. Bayan. Bukas." Ang napiling tema ay nagpapakita ng halaga ng mga aklat at pagbabasa sa ikabubuti ng bayan at ng ating kinabukasan (Sanggunian http://nationalbookweek.org/nbw/).
Sa pamamagitan ng mga babasahin lalo na ang mga lokal na publikasyon ay mas nakikilala natin ang ating pagiging Pilipino at kung papaano pa natin huhubugin ang ating mga sarili para sa bukas ng ating mahal na bayan.
Tara na, Atenista!
Sama-samang makilahok sa mga masasayang gawain upang ipagdiwang ang buwan ng pagbasa! Bisitahin ang KEMC sa linggo ng Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 25 para sa iba't ibang gawain.
Isinulat ni Bb. Rovina Nina Vinluan.
Disenyo ni Gng. Ruby Punay kasama ang mga laybraryan ng KEMC.