[AGS] United Nations Week
24 Oct 2022

Ipinagdiriwang ang United Nations Day tuwing ika-24 ng Oktubre. Sa taong ito, ating pagtutuunan ng pansin ang Sustainable Development Goals ng UN partikular sa aspekto ng seguridad ng pagkain (food security) para sa lahat at pagsulong ng kapayapaan.
Ang salitang “Kandili” ay may kahulugang pagbigay kalinga at pag-aruga sa kapwa. Isa na rito ang pag-abot ng tulong sa ating mga kababayang walang sapat na pagkain sa kanilang hapag dahil sa digmaan at iba pang karahasan. Ang pagkakaroon ng malasakit sa iba ay isang paraan upang mapalaganap ang pagmamahal at kapayapaan.
Tayong lahat ay inaanyayahang makibahagi sa pagsisikap ng United Nations at mga kasaping bansa nito tungo sa mas malusog na pamumuhay at ligtas na kapaligiran.
Makiisa sa pagdiriwang ng makasaysayang araw na ito.
Maligayang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa!
Isinulat at disenyo nina Gng. Marie Charisse S. Inumerable at Gng. Angeline Martha M. Cariquitan