Buwan ng Kasaysayan
22 Aug 2022
Ipinagdiriwang natin ngayong Agosto ang Buwan ng Kasaysayan. Ang tema para sa taong ito ay may pamagat na “Kasaysayan, Kamalayan, Kaunlaran”. Sa ating patuloy na pagsulong ng makatotohanang pagbabahagi ng kasaysayan, nawa’y maging gabay ang mga aral ng nakaraan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. Bagaman mayroong kasalukuyang panganib kaugnay ng pagkalat ng mga maling impormasyon at mga kilos na naglalayon na baguhin o burahin ang ilang katotohanan, tayo ay manindigan na walang lugar ang mga ito sa ating lipunan. Tipunin natin ang ating lakas upang ipagpatuloy ang paghubog sa mga mag-aaral para sila ay magkaroon ng kamalayan at maging mapanuri sa mga nababasa at naririnig sa kanilang kapaligiran. Ito ang yaman ng kasaysayan - naglalaman ito ng mga kuwento na sumasalamin sa ating pagkakakilanlan. Nakapagbibigay ito ng hindi mapapantayang pananaw sa iba’t ibang usapin sa paglipas ng panahon. Gamitin natin ito nang tama - pag-aralan, pagnilayan at pagkunan ng inspirasyon.
Maligayang Buwan ng Kasaysayan!
Poster mula sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Resizing / editing: Paul Nicolo C. Claustro
Article / Write up: Angeline Martha M. Cariquitan