CLE faculty Meng de Guia on teaching a PIP class: ‘loads of fun…mahirap na masaya’
26 Mar 2022 | By Meng de Guia; photos by Cyrus Lim; layout by Moca Dator
(The following piece was first posted by Ms. de Guia on her Facebook page in the morning of Friday, March 25, 2022. The Ateneo de Manila Senior High School began its pilot of in-person classes on March 21, 2022.)

Nagising na parang binabarena ang ulo dahil sa sobrang inet kahapon! Kwentuhan ko lang kayo ha.
Nag FLEX class for the first time yesterday (Thursday, March 24, 2022). I tell you it was loads of fun! After 2 years, may nakaharap na rin na mga students in the flesh! Muntik talaga ako magtambling sa tuwa sa harap nila kaso naka-dress ako. At hindi rin ako marunong tumambling. Kahit naka-dress ako, kasumpa-sumpa talaga ang init ng summer. Pero hindi ang init ng pagtanggap ng mga batang ito at ang pagpayag ng mga magulang nila na sumabak sa pilot in-person classes.
Two hours lang klase pero pinaghandaan ko ng 4 days (e kasi nga may technology involved! Dapat prepared si Ma'am!). Salamat sa mga nakababatang colleagues Kervin Torrente at Patrick De Villa na pinagtiyagaan akong i-walk through sa anu-anech ng flex class.
FLEX class ay yung nagkaklase ka in-person sa harap ng ilang bata habang kasabay na nakikiklase ang mga nasa online onscreen. Susme, kung may fitwatch ako, achieve na achieve ko sigurado ang mga 10,000 steps kahapon! I swear feeling ko pumayat ako ng 10 lbs! Chariz. Para kang baliw na one moment, you are talking to the 14 students in front of you and then you remember that you have students onscreen so you run to your laptop to address them para di sila ma-OP!
Para sa akin, mahirap na masaya ang FLEX. May kaharap kang mga bata na nakangiti (kita sa mata kahit naka-mask) at nagrerecite (sa online halos ayaw nila magrecite!) at naririnig mong tumatawa. Lumabas kakulitan lalo nung mga boys! Kahit may parang waterfalls sa katawan ko at feeling hulas na hulas na, di maikakaila na masaya. Libreng sauna! Haha.
Sana sulit yung ipinunta ng mga bata sa school. Aba, nagplantsa pa ako ng buhok at nag half ponytail para ganda gandahan ng konti! But after 30 mins of talking and walking to and from the teacher's platform, itinali ko na talaga buhok ko! At yun nga, minigraine na ako mula 2pm hanggang kaninang paggising ko.
Nung una nagkakahiyaan sila, di nag-uusap kahit andun na sila sa classroom. Class was at 9 am and I planned to be there by 815 am to set up but when I arrived, halos andun na sila lahat! Ang aga nila!!!! Unbelibabel! So while waiting, instant getting-to-know-you activity kami kasi nga di sila nag-uusap kahit halos isang taon na sila magkakasama online. Iba pa rin talaga yung magkakasama sa classroom.
Uulitin ko pa ba 'to? Siempre naman! I still have 3 sessions to go! At sabi ng mga bagets, bitin daw yung two hours! Bitin???? E halos magswimming na ako sa sarili kong pawis! Spaghetti straps na ba ang calling ko? Charot!
Pero sa totoo lang, ang pusong-guro ko ay labis na natutuwa na makita silang masaya in the company of their friends, walking in the campus (Kahit ang puede lang nila puntahan ay yung classroom nila at ang CR. Di sila allowed mag-ikot at bawal kumain. Drink agua lang ang puwede).
Extra pasasalamat kay CLE colleague kong si Gaizel Adan dahil pumasok siya ng maaga at nagvolunteer i-assist si ChaMeng mula pagbuhat ng mga gamit at pagiging runner ko pag may glitches sa setup, sa mabilis na pag-assist ng mga staff namin sa Computer Lab at sa ITC. At sa moral support ng admin, co- teachers, kuya Cyrus Lim at boss Alvin Macaranas na nag-ikot para i-cheer kaming nagfeFLEX. Grabe, feeling spoiled ako!